Filtrar por género
- 7 - Sirang plakaMon, 19 Aug 2024 - 02min
- 6 - Kumusta ang puso mo
Minsan akong tinanong “kumusta ang puso mo?” Hindi ko naulinigan ang mga talata pero napatigil ako ng hindi ko sinasadya “Kumusta ang puso mo?” ang ulit niya huminga ako ng malalim at hinahanap ang tamang salita kombinasyon ng mga letra habang nakatitig sa araw na siyang paidlip na “Ito patuloy na tumatanda” ang tugon ko Napatingin siya sa akin Kung kayat nagsimula akong ikwento ka, ang dating tayo, ang kwento nating dalawa, at kung gano katagal na kitang patuloy na minamahal… “Ito patuloy na tumatanda”
Sat, 26 Jun 2021 - 00min - 5 - Higit
Patawad Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi Kaya patawarin mo ako dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw nakikita ko ang pagibig ang tayo ang bukas Patawad
Sat, 26 Jun 2021 - 00min - 3 - My first starbucks
First year high school at birthday ko noon. Ang tanging hiling ko lang ay kape ng starbucks na isang jeep ang layo Hindi damit, sapatos, o bidyo game ng PS1 Dahil ang gusto ko lang ay Starbucks na may whipped cream on top at kape in one. Matagal ko na siyang pinag nanasahan Mula sa lamesa ng Principal's office na lagi kong pinupuntahan Hanggang sa kamay ng kaklase ko na binilhan ng mommy niyang mayaman. At sa wakas, pagkatapos ng isang jeep at pagbabayad ng syete pesos Ay nasa tapat na ako ng kahera, handang magbayad ng 110 pesos. "What's your order ma'am?" sabi ng babaeng with the green apron Nautal ako for a moment Thinking what should I get for my palette. And in one look, nakita ko na ang isang salitang pamilyar Mula sa menu na kanina ko pa tinititigan "Banana!" ang sabi ko Sabay turo sa menu para sigurado "What size? Tall, Grande or Venti" I was taken a back and got lost After hearing the last two words Ang sabi ko nalang "uhm yung small" para safe And she said "that's tall" Nagbayad ako at tumabi, nag aabang na tawagin ang pangalan ko And finally it came. Mabilis akong naglakad patungo sa counter At dinampot ang unang drink na mistula bang all-around ay kulay green Tinusukan ko ng straw at sabay ang isang mahabang higop Napatigil ako. Pilit kong hinihanap at nilalasahan ang hinihintay kong saging Pilit kong iniimagine ang banana bits Kung kaya't hinalo ko at humigop muli Ngunit tanging dahon, oo dahon ang nalalasahan ko sa bawat lunok at lagok. Lasang dahong ang inumin. At muli kong narinig ang pangalan ko "One tall banana mocha for Yel" At tumigil ang mundo for the 2nd time around Pati si kuya na dumadampot ng tissue from the ground Nagkatitigan kami At sa mga titig na yun, nagkaintindihan kami Muli akong lumunok Napagtanto ko na, Hindi lang ako ang Yel sa mundo. At hindi lang kape ang nao-order dito. First year high school. Birthday ko. At inuming Matcha mula sa Starbucks ang naging regalo ko.
Mon, 24 May 2021 - 02min - 2 - Linya ng bayantel
Grade 3. 9 years old. Section Masipag Hindi akma sayo yung section natin. Hindi ka masipag, hindi ka matalino, pero bibo ka. Ikaw yung bida bida sa klase, maingay, at mahilig magpapansin Ngunit may isang bagay akong napansin, hindi ito ang lakas ng boses mo o ang pagdaan daan mo sa aisle ng row ko. Ito ay ang laging mong pagtingin sa akin. Mula sa pagpasok ko sa room, pag baba ng bag, at pag upo sa upuan. Nakatingin ka. At alam ko yun, dahil nakatingin din ako. Dumating ang araw na nagsimula na ang asaran, kantsyawan, at pag FLAMES ng ating pangalan. Pati sa larong MASH, lagi mong sinasama ang pangalan ko sa category ng "Marry" na never naging ako ang ending. Hanggang sa isang hapon, paguwi ko ng bahay... "Telepono, hinahanap ka" napaisip ako kung sino ang tumawag, kaklase ko na magtatanong kung pwede kumopya o kaklase ko na magtatanong ano bang homework ang kelangan sagutan. Kinuha ko ang telepono at sabay sabing "Hello? sino to?" Hindi mo pa nababanggit ang pangalan mo, pero sa unang salita mo palang, alam ko ikaw na 'to. Dinala ko ang telepono sa kwarto ng mama ko habang pinipilit isipin kung saang lupalop mo nalaman ang numero ng bahay ko. Sa likod ba ng ID? o sa likod ng mga libro kong nagsasabi na "In case of lost, pls bring back to this address or call this number" Tumakbo ang segundo minuto at oras. patuloy lang tayong nagkwekwentuhan na nagsimula sa eskwelahan, sa titser nating masungit, sa homework, sa laban ni sakuragi at rukawa, hanggang sa pag kagusto mo sa akin. at ito na. ramdam ko na, hindi mo na kayang itago. ramdam ko na na gusto mo ng sabihin ang matagal mo ng tinatago, na halatang halata ko. "Gusto kita, I love you" tumigil sandali ang oras at mabilis na tumibok ang puso ko. Ito ang unang beses na narinig ko ang tatlong salitang yun, hindi mula sa nanay ko, sa tatay ko, o kay Barney na lagi akong kinakantahan ng "I love you, you love me" ito ang unang beses na narinig ko siya mula sa ibang tao. Grade 3. 9 years old. Section Masipag. Binaba ko kaagad ang telepono. hindi alam ang sasabhin. nag iisip pero nakangiti. lumipas ang ilang segundo, tumawag ka ulit. Hinihintay mo ang sagot sa mga salitang binitawan mo. at hinihingi ang aking "oo" Grade 3. 9 years old. Section Masipag. At sinagot kita "oo, I love you" sabay baba ng phone mabilis ang pintig ng puso. Grade 3 9 years old, sa linya ng bayantel, una kong sinabi ang I love you.
Mon, 24 May 2021 - 03min - 1 - Mula sa buwan
Siguro ganito ang pakiramdam ng mga nakarating sa buwan Yung pakiramdam na nakikita mong unti unting lumalayo ang dating mundong iyong ginagalawan Na ang dating abot kamay, ngayo’y tanaw na lamang Na habang papalapit ka sa langit, na siyang mamayang sasaklawin ng kalawakan ay ang siyang paglayo mo sa mga nakasanayan Sa nakasanayan mong mahigpit na yakap mula sa kanya tuwing umaga Sa sabay niyong paguwi pagkatapos ng trabaho At sa pagtanong niya ng “kamusta ka?” tuwing uuwi ka sa kanya, galing sa lakad mo nandun siya. nandun siya sa pagmulat mo ng mata sa pag gising sa umaga sa kwentuhan tuwing almusal na may kasamang kape, kanin at longganisa nandun siya sa merienda kasabay ng pancit canton, netflix at iba pang pelikula hanggang sa paghilata sa kama nandun siya at marahil hanggang dun nalang din siya hanggang dun nalang siya sa mga alaala na patuloy mong bibitbitin kahit saan kaman magpunta isusuot mo itong parang kwintas, isang medalya na hindi gawa sa ginto o pilak kundi gawa sa mga salitang hindi mo kailanman nabigkas... mga salitang “naniniwala ako sa tayo” dahil ito ang mga salitang umasa na baka isang araw may pag asang maniwala rin siya maniwala sa “kayo” sa “tayo” sa “atin” pero hindi mo kayang bigkasin ang mga talata dahil sa pangamba na makita ang mga takot sa kanyang mga mata na maghuhudyat na “hindi ko kaya” kung kayat pinili mo nalang manahimik at itikom ang bibig dahil naniniwala ka na wala sa mabulaklak na salita ang pagmamahal kundi ito’y nasa gawa pinatuloy mo na lang na ipadama sa kanya ang pagmamahal na nararapat yung totoo, tunay, at tapat. At ito ang mga alaala na patuloy mong binibitbit at sinusot sa iyong dibdib na kahit ano mang bigat na tila ba bagahe ay pilit mo siyang dadalhin, maisakay mo lamang sa susunod mong lakbayin. Ngunit bakit? Kung mabigat siyang dalahin, bakit ka parin nakakapit? Dahil paano mo maiiwanan ang bagahe na naglalaman ng katunayan na kaya mong magmahal ng wagas at higit. na minsan sa pag-ibig naging sigurado ka at patuloy mong nilaban ang digmaan kahit alam mong matatalo ka Pero sabi nga nila, walang talo sa taong tunay na nagmamahal Kaya sabihin mo sa akin paano? paano mo bibitawan ang mga imahe na nagpapakita kung gaano kaganda ang pagmamahal? na kahit hindi man ito nauwi sa simbahan, ay sa kanya natagpuan mo ang iyong tahanan? At ito na nga, katulad ng mga taong nakarating sa buwan ay napagmasdan mong lamunin ng kalawakan ang kalangitan at unti unti mo ng naramdaman ang paglutang sa kawalan kasabay ang pagpatak ng mga luha na unan mo lamang ang nakakakita at nakakadama dahil ngayon, ang layo na ng mundo hindi, dahil ngayon, kay layo na ng kanyang mundo at tanging itong bagahe lamang ang dala mo na mistulang pinto papunta sa dating mundo niyo kaya’t patuloy mo tong bibisitahin at mula sa malayo siya’y tatanawin dahil kahit wala ka man sa kanyang tabi ay dito mula sa buwan ikay mananatili
Sat, 24 Apr 2021 - 03min
Podcasts similares a Tagalog Spoken Poetry
- AD Voetbal podcast AD
- Dik Voormekaar Show Andre van Duin / Ferry de Groot
- Boekestijn en De Wijk BNR Nieuwsradio
- Moordzaken Carrie & Eddie
- De zaak ontleed De Telegraaf
- Het Land van Wierd Duk De Telegraaf
- MOREIRA’S MANSION ON AIR – FREDDY MOREIRA FunX
- F1 Aan Tafel Grand Prix Radio
- KieftJansenEgmondGijp KieftJansenEgmondGijp
- Kris Kross Amsterdam | Kris Kross mixtape Kris Kross Amsterdam
- Weer een dag Marcel van Roosmalen & Gijs Groenteman
- Wat een week! Maxim Hartman & Willem Treur
- De Jortcast NPO Radio 1 / AVROTROS
- NRC Vandaag NRC
- Veldheren Peter van Uhm, Mart de Kruif, Jos de Groot / Corti Media & WPG studio's
- Amerika in 15 minuten Raymond Mens
- Erotische verhalen - Rouze.me Rouze
- Teun en Gijs vertellen alles Teun van de Keuken & Gijs Groenteman
- Maarten van Rossem - De Podcast Tom Jessen en Maarten van Rossem / Streamy Media
- Aaf en Lies lossen het wel weer op Tonny Media
- Geschiedenis Inside Tonny Media
- De Universiteit van Nederland Podcast Universiteit van Nederland
- Vandaag Inside Vandaag Inside
- Napleiten Wouter Laumans, Christian Flokstra, Ayse Çimen