Filtrer par genre

Barangay Love Stories

Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

472 - Episode 415: "Calling Card"
0:00 / 0:00
1x
  • 472 - Episode 415: "Calling Card"

    Para magkaroon ng maayos na buhay, may mga taong gagawin ang lahat makapagtapos lang ng pag-aaral. Pero si Isabella, nakahanap ng taong magiging katuwang niya pero malaki ang agwat ng edad nila. Pakinggan ang kwento ni Isabella sa Barangay Love Stories.

    Wed, 18 Dec 2024 - 47min
  • 471 - Episode 414: "Isang Yakap"

    Kakosa ni Fredo si Buji. Pero para sa matandang tulad ni mang Fredo, pamilya na ang turing niya sa binata lalo pa't si Buji lang ang tanging tumulong sa kanya nang makalaya silang pareho sa kulungan. Maraming taon na ang lumipas pero sigurado si mang Fredo na hindi pa rin siya napapatawad ng mga naiwan niyang anak. Kaya imbes na dalawin at magpakita sa kanila, nakuntento na lamang siya na araw-araw silang pagmasdan sa malayo. Pakinggan ang kwento ni Fredo sa Barangay Love Stories. 

    Mon, 16 Dec 2024 - 1h 02min
  • 470 - Episode 413: "Biglang Liko"

    Nang mabiyuda si Yolly, medyo nahirapan siyang buhayin ang apat niyang anak. Buti na lamang ay nandyan ang bayaw niyang si Danny upang tulungan sila sa pang araw-araw nilang buhay. Pero iba talaga ang motibo ni Danny dahil bukod sa pagtulong sa kanyang mga pamangkin, gusto niya ring tumayong haligi ng tahanan para kay Yolly. Pakinggan ang kwento ni Danny sa Barangay Love Stories.

    Fri, 13 Dec 2024 - 52min
  • 469 - Episode 412: "Sad Boi"

    Isang breadwinner si Pixie at ang boyfriend niyang si Kio, breadwinner din daw. Pero pagdating sa relasyon nila ni Pixie, pabuhat at manipulative siya. Walang masama sa sobrang pagmamahal ngunit mas mainam siguro kung titirahan mo pa rin ang sarili mo dahil baka mapanlamang din ang jowa mo. Pakinggan ang kwento ni Pixie sa Barangay Love Stories.

    Wed, 11 Dec 2024 - 42min
  • 468 - Episode 411: "May Nauna Na" (Part 4)

    Matagal nang minamahal ni Georgette ang kanyang ex boyfriend na si Lino. Si Lino na bigla na lang naglaho para ayusin daw ang kanyang buhay. At ngayong maayos na si Georgette, ngayong may bago nang lalaki na nagpapasaya at nag-aalaga ng kanyang puso, saka naman biglang babalik si Lino. Si Lino na matagal na nilang pinalaya pero ngayon ay handa na raw ipagpatuloy ulit ang mga planong iniwan niya. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories. 

    Mon, 09 Dec 2024 - 1h 02min
Afficher plus d'épisodes