Filtrar por gênero

GABIa ng Lagim

GABIa ng Lagim

Jukebox Yubi

Ikaw ba ay nag-iisa at nalulungkot? Naghahanap ng makakakwentuhan o di kaya'y katawanan? Inaantok pero hindi makatulog? Saktong sakto para sa iyo ang programang ito, kung saan ay pag-uusapan natin ang iba't ibang uri ng mga paksa o karanasan sa ating pang-araw araw na buhay na kadalasan ay sa gabi lang natin napapag-usapan. Inaanyayahan kitang makinig, makipagkulitan at tawanan hanggang ikaw ay magsawa kasama ang inyong host na si Jukebox Yubi. Arat na!

6 - Episode 5 - Humble Beginnings
0:00 / 0:00
1x
  • 6 - Episode 5 - Humble Beginnings

    Pano nga ba nagsimula ang "Gabia ng Lagim"? 

    Sa episode na ito ay ating kikilalanin ng mabuti kung paano nagsimula at kung anu-ano ang mga pinagdaanang proseso ni  Jukebox Yubi sa pagbuo ng "Gabia ng Lagim."

    Ano pa ang hinihintay mo ka-lagim! Halina't pindutin ang "Play button" para masimulan na ang episode na ito!

    Sat, 21 Jan 2023 - 16min
  • 5 - Episode 4 - Happy Howl-iday!

    Ho ho ho! Merry Christmas mga ka-lagim!

    Ilang Xmas parties at family reunions na ang iyong napuntahan sa taong ito? Qouta ka na ba sa mga handaan?

    Halina't pag-usapan natin at pakingan ang mga bagay na pinaka-inaayawan natin kapag pininagdiriwan ang mga okasyon na ito. 

    Sigurado't meron ka ring karanasan na nais mo ring ibahagi.

    Huwag nang mahiya at pindutin na ang "Play"button at makipagkwentuhan kasama si Jukebox Yubi!

    Fri, 23 Dec 2022 - 27min
  • 4 - Episode 3 - Just Married

    Ikaw ba ay nagbabalak magpakasal? Qouta ka narin ba sa pagiging entourage sa taong ito? O gusto mo lang maki-intriga sa kung magkano ang gastusin sa pagpapakasal?


    Sakto ang episode na ito para sa iyo, Ka-lagim. Sa "Just Married" special natin ay tatalakayin natin ang proseso, paghahanda at budgeting pagdating sa kasalan. 

    Ano pang hinihintay mo? Pindutin na ang "Play" button at simulan na ang ating kwentuhan.

    Fri, 16 Dec 2022 - 33min
  • 3 - Episode 2 - Tarot

    Ikaw ba ay naniniwala sa kapalaran mong nababasa sa mga baraha? Sa palad o sa bolang kristal? Nasa mga instrumento ba na ito ang sagot sa iyong mga katanungan? 

    Kung Oo ang iyong sagot, ay sakto para sayo ang episode na ito. Halina at makipagkwentuhan, tawanan at hulaan ng karanasan at kapalaran. Samahan nyo ako at ating silipin ang mundo ng mga baraha. 

    Hulaan ko, maeenganyo kang makinig ng episode na ito. Hahahaha!

    Fri, 11 Nov 2022 - 33min
  • 2 - Episode 1 - Strict o Concern

    Yung nasa wastong edad ka na pero tinatawagan o pinapauwi ka na ng magulang mo agad pagsapit ng 10pm? Strict ba kamo? O baka naman concerned lang.

    Kung napagdaanan mo ang karanasang ito, ay tiyak na makakarelate ka sa episode na ito. Dito ay pag-uusapan natin kung ikaw ay sang-ayon na sadyang strict lamang o di kaya'y concerned ang ating mga magulang o kapatid saatin lalo na kapag tayo ay ginagabi na o inaabot na ng umaga sa labas. At ano ba ang magiging takeaway natin sa paksang ito?

    Arat na mga ka-lagim at makipagkwentuhan, tawanan at kulitan sa episode na ito ng GABIa ng Lagim!

    Fri, 04 Nov 2022 - 11min
Mostrar mais episódios