Filtra per genere
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
- 177 - 'Impeachment?' (Aired November 5, 2024)
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19!
Umuugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggasta ng confidential funds ng tanggapan ng bise presidente at ng DepEd sa panahon ng panunungkulan niya bilang kalihim ng ahensya.
Ang impeachment ay isang paraan ng pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng bayan. Isa itong constitutional duty ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, iisa pa lamang ang impeachment process na natapos at nauwi sa conviction at pagkakatanggal sa pwesto ng isang dating Chief Justice ng bansa.
Kung susuriin ang reyalidad na kasalukuyang nangyayari sa ating bayan at politika na umiiral sa dalawang kapulungan ng Kongreso, maging ang namamayaning klima ng ating halalan sa ngayon, maaari nga bang maalis sa pwesto si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment process?
Taglay nga ba ng mga miyembro ng dalawang kapulungan ng ating Kongreso ang diwa at prinsipyo ng Konstitusyon para mapanagot ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagkasala sa ating bayan? Think about it.
Tue, 05 Nov 2024 - 20min - 176 - ‘Kasakiman = Kalamidad’ (Aired October 29, 2024)
Kahirapan at mataas na antas ng korapsyon–ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nanguna ang Pilipinas sa pinakabagong World Risk Index o listahan ng mga bansang mas matindi ang nararanasang epekto sa pagtama ng mga sakuna. Naaabuso ang salitang "resilient" na katangian ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad kaya kapag natapos na ang bagyo at nakapamudmod na ng relief goods ang pamahalaan at ang mga politiko, tuloy lang ulit ang buhay ng mga biktima. Magkaroon man ng imbestigasyon sa sanhi ng kalamidad at pagbaha, wala namang napapanagot na mga tao na nagkulang sa pagpapatupad ng flood control projects ng gobyerno. Higit sa mga natural na sakuna na hinaharap ng Pilipinas taun-taon ay ang hindi matapos-tapos na kalamidad na dulot ng kasakiman ng mga tao sa bilyon-bilyong pisong pera ng bayan na nakalaan sa mga proyektong kailangan para mabawasan ang pagbabaha. At ang masakit na trahedya ay ang pananahimik at mistulang pagpayag na lamang ng mga Pilipino na mangyari ang kasakimang ito sa ating bayan. Think about it.
Tue, 29 Oct 2024 - 18min - 175 - “Uto-utong bayan?’ (Aired October 22, 2024)
Lumalabas sa pinakahuling pagtatanong ng Social Weather Stations (SWS) na higit 16 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ngayong taon lamang, ang Kongreso ay naglaan ng higit 160 bilyong piso para sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga programang 4Ps, AKAP at AICS, na kung susuriin ay halos pare-pareho naman ang mga benepisyong ibinibigay—mga programang inuulan ng litrato, tarpaulin at presensya ng ilang mga pulitiko tuwing may bigayan. Iba pa ang 4Ps, AKAP at AICS sa mga subsidiya mula sa iba pang mga departamento ng pamahalaan kagaya ng TUPAD ng DOLE, na kahirapan ng mga Pilipino pa rin ang gustong solusyunan.
Habang patuloy na lumalaki ang inilalaang pera ng bayan para sugpuin ang kahirapan, bakit patuloy namang dumarami ang mga Pilipinong nagsasabing sila ay naghihirap? Kaya tuloy ang ilang pulitiko tila sa kahirapan din namumuhunan para utuin ang taong-bayan. Think about it.
Wed, 23 Oct 2024 - 22min - 174 - ‘Kabuktutan sa party-list’ (Aired October 8, 2024)
Ang diwa ng party-list system sa Saligang Batas ay para magkaroon ng representante sa Kongreso ang mga miyembro ng lipunan na tinaguriang marginalized, o mga sektor na hindi binibigyang halaga, at underrepresented, o mga sektor na kulang ang representasyon. Ngunit sa nagdaang party-list elections, lalong lumilinaw ang katotohanan na nasasalaula na ang busilak na adhikain ng party-list system. Sa pag-aaral na ginawa ng election watchdog na Kontra Daya noong 2022 elections, may mga party-list group na may koneksyon sa political dynasties, malalaking negosyo, at maging sa gobyerno at militar, at ang iba’y hindi klaro ang adbokasiya. Nangyayari ito nang dahil na rin sa desisyon ng Korte Suprema na ang tumatakbong party o organisasyon ay hindi na kinakailangang nakahanay sa anumang sektor at hindi na kailangang kumatawan sa mga marginalized at underrepresented.
Sapat na ang pagkakaroon ng adbokasiya para sa ipinaglalabang sektor. Papayagan na lang ba natin na magtuloy-tuloy at lalo pang tumindi ang kabuktutan sa party-list system? Think about it.
Tue, 08 Oct 2024 - 25min - 173 - ‘Kumunoy ng pangako’ (Aired September 24, 2024)
Ipinangako ng mga taong gobyerno na nag-apruba sa Executive Order No. 62 noong Hunyo na ang kautusan na ito ay magpapababa sa presyo ng bigas at magpapatatag sa supply nito. Kaya sa harap ng maingay na protesta ng iba't-ibang grupo sa sektor ng agrikultura, itinuloy ang pagpapatupad sa EO 62, na nagmamandatong ibaba ang taripa o buwis sa pag-aangkat ng bigas sa 15%, mula 35%. Dahil dito, umaasa ang ating mga mamamayan na bababa ang presyo ng bigas. Subalit sa kabila ng paulit-ulit na pangako ng mga taga Department of Agriculture, National Economic and Development Authority, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, ang katotohanan ay sa halip na bumaba ang presyo ng bigas, ito ay nananatiling mataas.
At ang pangako ng gobyerno na pagbaba ng presyo ng bigas ay nananatiling pangako na nanganganak pa ng mga pangako na puno rin ng kasinungalingan. Think about it.
#TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
Tue, 24 Sep 2024 - 16min - 172 - 'Dishonor the tradition' (Aired September 17, 2024)
Sa naganap na mga hearing kamakailan lamang sa 2025 budget ng DOTr at DPWH, tila nagulat at naguluhan ang ilang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nawalan ng pondo ang malalaki at pangunahing proyekto ng dalawang ahensya na ito—mga reaksyon na mahirap tanggapin dahil sila rin naman ang gumawa at nag-apruba sa pambansang budget noong nakaraang taon. Ang paghahanda sa taunang pambansang budget ay isang mabusisi, mahaba at magastos na proseso upang matukoy ang mga pinakaimportanteng programa at proyekto ng gobyerno na dapat paglaanan ng pondo. Ngunit ang napakahalagang proseso na ito ay nawawalan ng saysay dahil sa umiiral na time-honored tradition ng pagbabago at pagsingit sa budget sa deliberasyon ng bicameral conference committee, na agad namang inaaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Time-honored tradition na isinasangkalan para dumulas ang budget ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, maging budget ng Senado at Kamara de Representantes. Nawawalan ng kabuluhan ang dapat sana ay mahigpit at masinsinang pagsuyod sa pambansang budget na paglalaanan ng pera ng bayan dahil sa maling tradisyon ng Kongreso at kawalan ng dangal ng maraming pulitiko. Think about it.#ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
Tue, 17 Sep 2024 - 14min - 171 - 'SILA-SILA RIN, EH!’ (Aired September 3, 2024)
Isa sa mga diwa at adhikain ng ating demokrasya ay ang prinsipyo ng checks and balances. Sa tatlong sangay ng gobyerno, poder ng Kongreso na aralin, suriin, at pangalagaan ang paggasta sa pera ng bayan. Kung totoo ngang gumagana ang prinsipyo ng checks and balances sa Pilipinas, bakit mabilis na inaaprubahan ng mga mambabatas ang budget ng iba't-ibang mga departamento na nakitaan ng COA ng iregularidad at pag-aaksaya sa paggasta, kabilang ang sinasabing Notice of Disallowances, at hindi man lang pinagpapaliwanag kung paano nila ito tinutugunan at isinasaayos? At kung sila-sila ring mga mambabatas ang mag-aapruba sa budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso, sino ang bubusisi sa mga bumubusisi?
Paano maisasadiwa ang check and balance sa sangay ng gobyerno na pinagkalooban ng Power of the Purse? Think about it.
Wed, 04 Sep 2024 - 20min - 170 - ‘INHUSTISYA!’ (Aired August 20, 2024)
Paglago ng ekonomiya, pagbaba ng antas ng kahirapan—iyan ang malugod na inanunsyo ng ating gobyerno kamakailan lamang. Ngunit kung susuriin ang 2023 Poverty Statistics na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga rehiyon na may mas mataas na inflation rate at mas mababa pa sa P450 ang daily minimum wage, ay siya ring mga rehiyon na marami ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap.
Sa mahal ng gastusin at barat na arawang sahod, hindi naaabot ng mga mamamayan sa mga rehiyon na ito ang poverty threshold na itinakda ng PSA para maituring silang non-poor population. Subalit, tunay nga bang may reklamo ang mga manggagawa at pamilyang naghihirap sa mga rehiyon na ito? O sila'y parte ng ating lipunan na patuloy lamang na nagtitiis at nananahimik sa gitna ng maliwanag na inhustisya na nangyayari sa kanilang probinsya, at sa ating bayan? Think about it.
Wed, 21 Aug 2024 - 20min - 169 - "Mga kasabwat?" (Aired August 8, 2024)
Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nagkakaroon ng budget hearing kung saan dapat hinihimay nang lubos ang bawat departamento, at ang mga programa ng mga departamentong ito na paglalaanan ng pera ng bayan. Ang Kamara at Senado ang nag-aapruba sa paglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa flood management, flood control at flood mitigation projects. Ngayon inuusisa ito ng Senado, saan daw napunta ang pera, at bakit wala umanong master plan? Nagbigay kayo ng bilyon-bilyong pisong pondo sa programang walang master plan? Habang nagagalit din ang ilang mambabatas kung bakit kinukuha ng Department of Finance ang P89.9 billion na pera ng PhilHealth. Sino ba ang nag-lagay, at nag-apruba sa general appropriations act para payagan na ito ay gawin ng DOF sa PhilHealth? Think about it. #ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
Thu, 08 Aug 2024 - 22min - 168 - "Basura sa gobyerno" (Aired July 30, 2024)
Mula 2016 hanggang 2023 aabot na sa 854 bilyong piso ang kabuuang halaga na inilaan ng bayan para sa flood control at flood management program ng gobyerno. Magkaiba pa ang budget ng DPWH at MMDA at mistulang bumabaha ang pera ng bayan na inilalaan para sa problema ng pagbaha. Pero sa halip na mabawasan ay bakit lalong tumitindi pa ang pagbabaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan tuwing may malakas na ulan? Taong 2012 pa lang may nabuo nang Metro Manila Flood Management Master Plan. May master plan na naman. Malinaw na hindi pondo ang ugat ng problema kundi kawalan ng pananagutan ng mga opisyal na nagpapatupad sa mga proyekto ng gobyerno. Mga opisyal ng gobyerno na sila ring pumipili ng mga kontratista para sa mga proyektong ito. Patuloy na magdurusa ang bayan sa problema ng baha hangga't hindi nalilinis ang hanay ng gobyerno sa mga basura sa loob nito. Think about it.
Tue, 30 Jul 2024 - 21min - 167 - "Servant of the People?" (Aired July 25, 2024)
Noong Lunes, July 22, napanood ng mga Pilipino ang marangya at engrandeng SONA ng Pangulong Marcos Jr. Isang araw lamang pagkatapos nito mga imahe na ng reyalidad sa paghihirap ng mga Pilipinong sinalanta ng Bagyong Carina at habagat ang lumantad sa atin. Sa SONA, full force ang paggamit sa resources ng gobyerno. Sa malawakang pagbabaha kahapon sa Metro Manila at karatig lalawigan, may mga nagtatanong kung bakit hindi full force ang gobyerno sa pagresponde sa mga biktima ng sakuna? Ang mga dumalo sa SONA ay mga nagpapakilalang servants of the people. Bakit tila lahat na ay gagawin para maging maayos, ligtas at kumportable ang okasyon na dinadaluhan ng mga “servants of the people”? Bakit ang “people” na dapat sana’y pinaglilingkuran ng gobyerno ay kinakailangang magtiis at makipagsapalaran sa panahon ng sakuna? Baliktad na nga ba ang mundo? Ang servants of the people ay nagiging masters of the people. Think about it.
Fri, 26 Jul 2024 - 21min - 166 - 'Papalakpak ka rin ba?' (Aired July 18, 2024)
Para saan ba ang State of the Nation Address (SONA)? Reunion ba raw ito ng mga dinastiya na ang turing sa gobyerno ay family business? Ito ba ay fashion show ng mga milyonaryo at bilyonaryong mambabatas? Magkano ba ang totoong gastos ng bayan sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa July 22, 2024? Ano ba ang totoong “State of the Nation”? Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ang pangunahing suliranin ng mga Pilipino na dapat solusyunan ng gobyerno ay ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin, dagdag-sweldo para sa mga manggagawa, at ang antas ng kahirapan ng mga Pilipino. Sa harap ng problema sa kahirapan ng napakaraming Pilipino, ano naman kaya ang lalamanin ng SONA ng Pangulo sa Lunes? Sabihin na naman niya kaya na “the state of the nation is sound”? O marinig na kaya ng Pangulo ang totoong sound o tunog ng hinaing ng mga nagdarahop na mga Pilipino? Think about it.
Fri, 19 Jul 2024 - 21min - 165 - 'Bakit Bayan Na Naman...?' (Aired July 11, 2024)
Mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, umabot na ng 89.9 billion pesos ang subsidiya ng gobyerno na hindi pa nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth. Dahil dito binabawi ng Department of Finance ang naturang subsidiya, na galing naman sa koleksyon ng gobyerno sa sin taxes. Gagamitin daw ng gobyerno ang 89.9 billion pesos para sa unprogrammed appropriations o proyekto ng gobyerno na walang pondo. Tama ba ‘yun? Sa halip na palawakin ang benepisyo ng mga miyembro ng Philhealth o babaan ang kontribusyon ng mga miyembro dahil sa sinasabing sobrang pera ng Philhealth, kukunin ito ng Department of Finance. Dahil sa kapabayaan at kawalan ng kakayahan ng mga namumuno sa Philhealth, pangkaraniwang Pilipino na naman ang magsasakripisyo… Bayan na naman ang agrabyado? Think about it.
Thu, 11 Jul 2024 - 19min - 164 - 'Sino ang Pahamak?' (Aired June 20, 2024)
Mula nang ilunsad ng Department of Transportation ang PUV modernization program noong 2017, nakailang ulit nang nagbanta ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang mga driver-operator ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa modernisasyon. April 30, 2024 ang ikawalong itinakdang deadline ng pamahalaan para sa PUV modernization at nagbanta muli ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang unconsolidated PUVs na umano'y binawian na ng prangkisa pagdating ng Mayo uno. Pero magdadalawang buwan na matapos ang huling deadline, wala pa ring nangyayaring hulihan at patuloy na bumabiyahe ang unconsolidated PUVs na itinuturing na ngayong colorum. Hindi na nakapagtataka na nag-aalangang manghuli ang gobyerno ng mga sinasabing colorum na jeepneys at uv express, sa takot na mapahiya sila sa pagkakamaling nagawa sa pagpapatupad ng PUV modernization program? Sa kamalian ng pagpapatupad ng pamahalaan, nilalagay nila sa peligro ang mga mananakay na sapilitang tatangkilik sa colorum dahil walang masasakyan? At dahil sa maling pagpapatupad ng PUV modernization program, pinapahamak ng gobyerno ang kabuhayan at kinabukasan ng libo-libong pamilyang Pilipino na ang buhay ay nakasalalay sa pamamasada. Think about it.
Thu, 20 Jun 2024 - 16min - 163 - 'POGO: Benepisyo o Perwisyo?' (Aired June 13, 2024)
Pera ang sinasabing dahilan ng mga nagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Perang kinikita ng PAGCOR at ng pamahalaan mula sa POGO. Sa harap ito ng lumalakas na panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil sa tumitinding kriminalidad na kinasasangkutan ng mga POGO workers na karamihan ay mga dayuhang Chinese. Sa pinakahuling pagsalakay na ginawa ng PAOCC sa Porac, Pampanga, nalantad na naman ang mga kaso ng human trafficking, sex slavery, kidnap victims at scam hub. Luminaw na rin ang kaso ng posibleng money laundering sa iba pang POGO hubs. Ano ba ang mas matimbang, ang sinasabing 0.2% na naimbag ng POGO sa ating gross domestic product bilang dahilan sa pagpayag ng gobyerno na ito’y manatili sa Pilipinas? O ang hindi masukat na kriminalidad, sakit ng ulo, problema, masamang imahe, kahihiyan ng bansa at perwisyo sa bayan na idinudulot ng Philippine Offshore Gaming Operators para tuluyan na itong ipagbawal. Think about it.
Thu, 13 Jun 2024 - 19min - 162 - 'No Ease of Doing Business' (Aired June 4, 2024)
Nagsimula ang konstruksyon ng dalawampu't dalawang kilometrong Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 noong 2016 at ipinangalandakan ng Kalihim noon ng Department of Transportation na makapagsisimula ang operasyon ng tren sa huling bahagi ng 2019, subalit hindi ito nagkatotoo.
Sa katunayan, 2008 pa nagsimula ang plano ng MRT-7 subalit lubusan nang naantala ng higit dalawang dekada ang proyekto nang hindi magampanan ng gobyerno ang kanyang tungkulin at obligasyon sa right of way at dahil din sa hindi pagkakasundo ng national at local government, at hirap sa pagkuha ng mga permit. Ang mga aberya sa pagpapatupad ng ganitong proyekto ay sumasalamim sa uri ng pamamalakad at pangangasiwa ng pamahalaan sa mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura. Kaya kahit maya't-maya mag-abroad si Pangulong Marcos Jr., ay hirap pa rin tayong humikayat ng mga investor na mamuhunan sa Pilipinas sapagkat there is no ease of doing business in the Philippines? Think about it.
Tue, 04 Jun 2024 - 21min - 161 - 'Padalos-dalos na naman' (Aired May 23, 2024)
Hindi pa man bumababa sa bente pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas kagaya ng ipinangako ng noo'y tumatakbong Pangulong Marcos Jr., may ipinapangako na naman ngayon ang ilang taong gobyerno na kayang pababain hanggang trenta pesos per kilo ang bigas kung maipapasa ang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). RTL na ginawang solusyon ng nakaraang administrasyon sa problema ng mataas na inflation sa bigas at susi raw para makaahon sa malaking utang na kinasadlakan ng National Food Authority. Kung ang pangunahing agenda ay pababain ang presyo ng bigas, ang unang hakbang ay pababain ang production cost nito. Paano maibababa ang presyo ng kada kilo ng bigas kung mataas ang kasalukuyang farmgate price ng palay? At ano na nga ba ang nangyari sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na nalilikom mula sa RTL para raw tulong sa mga magsasaka? Trenta pesos per kilo ng bigas? Mag-aabono na naman ba ang taong bayan para sa subsidiyang ibibigay ng gobyerno para lang may maibentang murang bigas ang NFA? NFA na mula noon hanggang ngayon, ay nababahiran pa rin ng korapsyon. Think about it.
Thu, 23 May 2024 - 14min - 160 - 'Global Boiling' (Aired May 9, 2024)
Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo mula 1982, na ngayo'y nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan. Sa Pilipinas, kasama sa pag-aaral ng Climate Change Action Plan ang pagpapasa ng National Land Use Policy upang makatulong sa bansa na maibsan ang epekto ng climate change at perwisyong idinudulot ng mga kalamidad, subalit tatlumpung taon na itong isinasalang sa Kongreso ay hanggang ngayon hindi pa rin ito naipapasa. Bagamat responsibilidad ng bawat isa sa atin na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan, political will pa rin ng ating mga lider ang kailangan upang kahit paano ay mapabagal man lamang ang patuloy na pag-init ng mundo. Pero paano nga magkakaroon ng political will ang ating mga lider kung patuloy na makikipagsabwatan ang gobyerno sa mga ganid na tao sa mundo? Think about it.
Fri, 10 May 2024 - 21min - 158 - 'Dynasties are Forever?' (Aired April 25, 2024)
Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito.
Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon, bigo pa rin ang Kongreso na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties. Mga dinastiya na ayon sa mga pag-aaral ay pumipigil sa progreso ng mga mamamayan. Paano nga naman papasa ang batas na nagbabawal sa mga dinastiya kung ang Philippine Congress ay pinamamahayan ng mga matatabang dinastiya o fat dynasty? Paano susunod sa utos ng konstitusyon ang mga mambabatas kung ang interes ng kanilang mga pamilya ang tatamaan? Think about it.
Thu, 25 Apr 2024 - 20min - 157 - 'Napasubo?' (Aired April 18, 2024)
Ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa ng lahat ng public utility vehicles sa bansa ay wala na raw extension pa. Inabot na nga ng walong extension ang deadline subalit wala pa ang Route Rationalization Plan na siyang pinakaimportanteng bahagi ng PUV Modernization Program. Ito ang sisiguro na magiging maayos ang pamamasada ng mga PUV sa lahat ng ruta sa buong Pilipinas. Ito rin ang sisiguro na ang mga ruta na papasadahan ng mga PUV ay kikita para makapagbayad ang mga kooperatiba at korporasyon sa kanilang uutangin na units. Mga kooperatiba at korporasyon na pinipilit ng gobyerno na buuin ng mga PUV operator. Walang duda sa magandang adhikain ng programa, pero hindi kaya mukhang napasubo lang dito ang gobyerno? Think about it.
Fri, 19 Apr 2024 - 16min - 156 - 'Tip of the Iceberg' (Aired April 4, 2024)
Nobyembre 2023 nang kumalat online ang mga litrato at video ng isang pula at isang asul na Bugatti Chiron na ibinibida sa mga kalye ng Metro Manila. Nagkakahalaga ng halos 170 million pesos ang bawat isang Bugatti at ang buwis na dapat bayaran para rito ay halos katumbas ng halaga ng bawat isang Bugatti. Kung hindi pa naging viral sa social media at naibulgar sa Senado na kwestyunable ang mga dokumento ng dalawang hypercars, hindi kikilos ang Bureau of Customs upang makuha ang mga sasakyan. Bagamat smuggled, naparehistro ang hypercars sa LTO dahil may certificate of payment na kwestyunable ang authenticity. Mabilis na nag-imbestiga ang LTO at kinasuhan ang mga tauhan nila na nasangkot. Pero bakit ang BOC nananahimik hanggang ngayon? Magkakaroon kaya sila ng totoong imbestigasyon na magiging daan upang mabulgar ang mga personalidad at kawani na nakikinabang sa talamak na smuggling ng mga tinatawag na supercars at hypercars? Think about it.
Thu, 04 Apr 2024 - 15min - 155 - 'Toys for the Rich Boys' (Aired March 7, 2024)
Ferrari, Lamborghini, Porsche, at McLaren. Mga tinaguriang supercars! At meron pang hypercars kagaya ng Bugatti na ang halaga ng bawat isang kotse ay halos 170million pesos! Ibinibida sa ating mga kalsada ang mga kotseng ganito. Ang tanong: nagbayad ba ng tamang buwis ang mga may-ari nito? Dahil sa ginagawang imbestigasyon ngayon sa 2 Bugatti Chiron na naparehistro sa LTO ay lumabas ang katotohanan na ang mga ito ay mga puslit! Bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa talamak na smuggling ng mga supercars at hypercars sa pakikipagsabwatan ng mga taga-Bureau of Customs sa smugglers! May imbestigasyon na nga na naman ngayon sa isyung ito…ito na kaya ’yun? Dito na malalantad ang mga pangalan at mukha ng mga miyembro ng sindikato at ng kanilang mga padrino? Think about it.
Thu, 07 Mar 2024 - 17min - 154 - ‘Impunity for Corruption’ (Aired February 29, 2024)
Bilang tugon sa mga nangyaring pandarambong sa kaban ng bayan noong panahon ng diktadurya, ipinasa ng Kongreso noong 1991 ang Plunder Law. Subalit hanggang ngayon, nagpapatuloy ang walang habas na pagnanakaw sa pera ng bayan. Talamak pa rin ang korapsyon. Sa pinakabagong report ng Transparency International, ang Pilipinas ay bagsak pa rin sa Corruption Perceptions Index. At sa baba ng antas ng Pilipinas sa pagsugpo sa korapsyon, itinuturing na may impunity for corruption sa ating bansa. Walang takot ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan dahil hindi sila napapanagot. Bakit nangyayari ito? Think about it.
For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
Thu, 29 Feb 2024 - 15min - 152 - 'Tama na... Sobra na!!!' (Aired February 22, 2024)
Ang kaban ng bayan ay dapat laan sa mga mamamayang Pilipino at hindi nawawaldas para sa pansariling interes lamang. Ngunit sa bulok na kalakaran ng Kongreso sa pagdinig sa badyet ng bayan, may mga nakakalusot na bilyones sa mga proyekto na kahit ang mga ahensya ay walang alam na naglaan ng pera para dito. Ayon sa Seksyon 16, Artikulo VI ng ating Saligang Batas, dapat may journal ang Kongreso na nagtatala ng lahat ng pinag-uusapan sa Kongreso, maging ang mga desisyon nito. Pero bakit ang mga pinag-uusapan sa Bicameral Chamber, lalo na sa budget, ay exclusive at walang minutes? Bakit may mga nakakalusot na bilyones sa GAA tulad ng P26.7 bilyon para sa AKAP ng DSWD? Ngayong nalalantad ang kabulukan ng kalakaran ng Kongreso, dapat pa ba tayong manahimik at hahayaan na lang natin na mangyari ang mga ito? Think about it.
Thu, 22 Feb 2024 - 14min - 151 - 'Lubayan ang Konstitusyon' (Aired Feb. 15, 2024)
Patuloy ngayon ang pagdinig ng Senado at Kamara para sa pag-amyenda ng Saligang Batas, partikular na ang mga economic provisions nito na naglilimita sa foreign ownership ng mga public utilities tulad ng tubig, kuryente, at telecommunications. Kung maaprubahan ang Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado at Kamara, magpapatawag ng Constitutional Assembly ang Kongreso para sa mga pagbabago nito. Pero marami ang humaharang sa posibleng pag-amyenda at kasama riyan ang ilang framers ng 1987 Constitution na tinawag itong “cha-cha to death!” Para saan ba talaga ang pag-amyenda sa konstitusyon; para ba sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa na itinutulak umano ng mga opisyal o para lang sa mga pansarili at pampamilyang interes na ikinukubli nila? Think about it.
Thu, 15 Feb 2024 - 20min - 150 - ‘Bagong Pilipinas, Daw?’ (Aired January 30, 2024)
"Bagong Pilipinas", ito ang pinangangalandakang tatak daw ng pamamahala at liderato ng kasalukuyang administrasyon na humihikayat sa pagbabago ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan para sa ikauunlad daw ng bayan. Pagbabago bang maituturing kung tuloy pa rin ang hakot system? At talamak ang kotongan at pagwawaldas sa pera ng bayan? Pagbabago bang matatawag ang pagpilit at panlilinlang sa mga Pilipino? Ang pagbabago ay dapat magsisimula sa gobyerno. At walang magiging pagbabago sa Pilipinas hanggang naghahari ang mga opisyal na sobrang takaw sa pera at labis ang kasakiman sa kapangyarihan. Think about it.
Tue, 30 Jan 2024 - 15min - 149 - THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘Laging Pera’ (Aired January 23, 2024)
Anim na taon mula nang maisabatas ang Rice Tariffication Law, tinatayang aabot na sa higit 50 bilyong piso ang dapat na pondo ng Rice Competitiveness Enhance ment Fund (RCEF) na para sa mga pangangailangan ng mga magsasaka. Habang sa ilalim ng General Appropriations Act, bilyon-bilyong piso rin ang inilaan para sa iba't-ibang proyekto ng Department of Agriculture. Sa kabila nito, wala raw pera ang gobyerno para sa tulong pinansyal ng mga naluluging magbubukid. Laging katwiran ang kakapusan sa pera sa mabagal na pag-unlad ng ating agrikultura. Pondo ba talaga ang problema o tamang paggasta ng pera ng bayan at pagtupad sa mandato ng pamahalaan na tulungan ang ating mga magsasaka? Think about it.
Tue, 23 Jan 2024 - 15min - 148 - ‘People’s Initiative’? (Aired January 16, 2024)
Usap-usapan ang ipinapakalat ngayong papel na pinapipirmahan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas na ang layunin ay baguhin ang isang probisyon sa ating saligang batas sa pamamagitan ng tinatawag na people's initiative. Talamak ang panlilinlang sa nga botanteng Pilipino para pumirma sa petisyon, na gumagamit pa sa mga programa ng gobyerno kagaya ng Tupad at 4Ps.
Kapag nagkataon, kaya mo bang ipagkatiwala sa kapangyarihan lamang ng mga miyembro ng kamara de representante ang gusto nilang gawin na pagbabago sa ating konstitusyon? Ikaw na Pilipinong araw-araw ay napapagod sa kakatrabaho, at sa pagpapagal na ito ay nag-aambag sa kaban ng bayan na pinagkukunan ng perang ginagasta para patakbuhin ang Kongreso. Ikaw na Pilipinong nagtitiis sa hirap subalit nananatiling ang galaw ay patas. Hahayaan mo bang mangyari ito? Think about it.For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
Tue, 16 Jan 2024 - 19min - 147 - #AlamNaThis (Aired January 9, 2024)
Kung ang iba't-ibang departamento at opisina ng gobyerno ay halos magmakaawa na dagdagan ang kanilang pondo para sa taong 2024, ang DPWH ang pinagpala sa lahat sapagkat kahit sila ang pangalawa sa may pinakamalaking budget, dinagdagan pa sila ng daan-daang bilyong pisong pondo. Binusog ang DPWH subalit binawasan ng subisidiya ng gobyerno ang ibang ahensya na inaasahan ng mga nangangailangan. Bilyun-bilyong pisong dagdag para sa DPWH na itinuturing na isa sa mga pinakakorap na ahensya ng pamahalaan, DPWH na ayon pa rin sa pinakahuling annual audit report ng COA ay mayroon lamang 64.13% disbursement capacity noong 2022. Think about it.
Tue, 09 Jan 2024 - 13min - 146 - ‘Malinaw na Hilaw’ (Aired December 12, 2023)
Matapos ang ilang beses na pag-urong ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program, tuloy na tuloy na raw ang pagpapatupad ng programa. Oobligahin ng gobyerno ang mga jeepney at UV express driver at operators ng mga lumang pampublikong sasakyan na sumunod sa patakaran hanggang katapusan ng taon. Subalit ang pamahalaan mismo ang hindi tumupad sa kanilang importanteng tungkulin na gawin ang route rationalization plan at public transport route planning na siyang mga pangunahing bahagi ng PUV modernization. 19 days to go bago mag December 31 deadline, napag-aralan bang mabuti ni Secretary Jaime Bautista at ng DOTr-LTFRB ang laki ng problemang lilikhain nila? Pati na ang parusang dadanasin ng mga mananakay at sakit ng ulo na ibibigay ng administrasyong Marcos? Think about it.
Tue, 12 Dec 2023 - 15min - 145 - ‘Mamuhay ng Buong Kapakumbabaan’ (Aired November 28, 2023)
Naging matindi ang puna ng publiko sa abusong ginagawa ng mga motorista- pribado man o taga-gobyerno, sa pagdaan sa Edsa busway upang makaiwas sa matinding trapiko. Mula sa usaping ito ay lumutang ang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga taong gobyerno na gumagamit ng protocol plates na maituturing namang kabiguan ng otoridad sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin. Saan ba nagmula ang paglalaan ng mga low-numbered o protocol plates na ito para sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno? Hindi ba't ang ating mga lingkod bayan ang dapat na maging ehemplo sa mga ordinaryong mamamayan, kasama na ang pagsunod sa batas trapiko? Think about.
Tue, 28 Nov 2023 - 16min - 144 - ‘Huwag Kang Paku-corrupt’ (Aired November 14, 2023)
Ang panukalang budget para sa confidential at intelligence funds para sa taong 2024 ay umaabot sa sampung bilyong piso. Sa halagang ito, maraming kapakipakinabang na proyekto na ang magagawa para sa mga Pilipino, kaysa abusuhin lamang ang pondo ng mga kurap na opisyal sa gobyerno. Kaya isang grupo ng concerned citizens ang nagsama-sama para manawagan at kumilos para sa tuluyang pag-aalis ng confidential funds sa pambansang budget at labanan ang korapsyon sa pamahalaan. Subalit, magiging mahirap ang laban na ito, lalo na kung ang karamihan sa mga Pilipino ay patuloy na magiging mangmang sa pagpili ng mga inihahalal na kandidato na kakatawan sa atin sa dalawang kapulungan ng kongreso. Think about it.
Tue, 14 Nov 2023 - 13min - 143 - ‘Tuwang-Tuwa sa Pagbabalatkayo’ (Aired October 31, 2023)
Sa kabiguan ng pamahalaan na mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawang Pilipino na magtrabaho at kumita nang marangal sa sariling bayan, maraming Pilipino ang tinitiis malayo sa pamilya upang magtrabaho abroad. Kapalit ng maliit na halaga, may mga OFW na itinataya ang kanilang kaligtasan at nananatili sa mga bansang talamak ang pang-aabuso para kumita at makapagpadala sa pamilya. Sa gitna ng humahabang listahan ng OFWs na sinasawing-palad sa pagtatrabaho sa abroad, ipinagmamalaki pa ng gobyerno ang dagdag na bilang ng mga OFW na ipinapadala ng Pilipinas sa abroad, lalo na sa mga bansang may ipinatutupad na Kafala system. Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
Tue, 31 Oct 2023 - 12min - 142 - ‘Bakit Nangyayari Ito?’ (Aired October 17, 2023)
Sinasabi ng DBM na napakasinsin ng paghahanda at pagbuo ng mga panukalang pambansang budget. Subalit bakit nakalusot at patuloy na nakalulusot sa pambansang budget ang mga doble, triple, at maging apat at limang beses na alokasyon para sa iisang proyekto sa ilalim ng DPWH?
May iba't-ibang halaga ng alokasyon sa iisang proyekto ng DPWH, habang ang pondong para sana sa kalusugan at edukasyon ng mga Pilipino ay lubos na tinatapyasan. Bakit nga ba ito nangyayari sa atin? Think about it.Tue, 17 Oct 2023 - 15min - 141 - ‘Drama ng Mafia?’ (Aired September 26, 2023)
Kapuna-puna na sa mga press release ng gobyerno tungkol sa mga nasasamsam nilang smuggled agricultural products, wala ni minsan silang nabanggit na pangalan ng smugglers. At sa lahat ng sinalakay nilang bodega na pinag-iimbakan umano ng mga produktong pang-agrikultura, kahit kailan ay hindi nila naibalita kung sino ang hoarder. Palaging ipinangangalandakan ng pamahalaan ang kanilang mga operasyon kaugnay ng smuggling at hoarding na sinasabing ang nasa likod pa nga raw ay mafia, pero bakit kahit kailan ay hindi nila pinangalanan ang mga mafia na ito at tusong negosyante na malinaw na lumalabag sa batas ng Anti-Agriculutural Smuggling Act? Think about it.
Tue, 26 Sep 2023 - 09min - 140 - ‘May Chance Pa?’ (Aired September 21, 2023)
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ang unang dahilan ng food inflation o pagtaas ng presyo ng pagkain. Upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng butil na pangunahing pagkain ng Pinoy, naglabas ng Executive Order 39 ang Pangulo para magtakda ng price cap at inutusan ang National Food Authority na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa presyong hindi sila malulugi. Patuloy kasing umaasa ang mga Pilipino sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na makabibili sila ng bente pesos kada kilong bigas sa palengke, kaya nagkukumahog ang gobyerno na kontrolin ang presyo nito. Pwede ba talagang maging bente pesos per kilo ang bigas? Think about.
Thu, 21 Sep 2023 - 14min - 139 - ‘Pagkukubli sa Aninaw’ (Aired September 14, 2023)
Para sa transparency o aninaw kung paano pinapangasiwaan at ginagasta ng gobyerno ang pera ng bayan, kaya isinasama sa probisyon ng pambansang budget ang pagsasapubliko ng Commission on Audit ng kanilang annual audit report kung paano ginugol ang pondo ng mga ahensya ng pamahalaan. Subalit nakakadismaya na ang probisyong ito na isa sa mga sandata laban sa korapsyon ay gustong alisin ng Ombudsman. Ombudsman na tinaguriang tanodbayan na ang pangunahing misyon ay panagutin ang corrupt na lingkodbayan at sugpuin ang korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Think about it.
Fri, 15 Sep 2023 - 14min - 138 - ‘Executive Disorder’ (Aired September 7, 2023)
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na ang dahilan ayon sa Pangulo ay ang di masawata na smuggling at hoarding, naglabas ang Pangulo ng Executive Order 39 na nagmamandato sa hangganan ng presyo ng bigas sa merkado. Sa unang tingin ay pabor ito sa kapakanan ng mamimili, subalit ito ay pinangangambahang magbubunga ng pagkalugi sa mga nagtitinda ng bigas, pagbaba ng presyo ng palay na ikalulugi rin ng mga magsasaka, at kalaunan ay magiging sanhi ng rice shortage. Ito ang mga posibleng resulta ng pagpapatupad ng isang polisiyang hindi pinag-aralang mabuti at maaaring ginagawa lamang pamatay-sunog sa umiinit na panunumbat ng mga mamamayan sa naging pangako noon ng Pangulo na ibababa niya ang presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. Think about it.
Thu, 07 Sep 2023 - 17min - 137 - ‘Inordinate Delay’ (Aired August 31, 2023)
Ang kontrobersyal na PS-DBM Pharmally Deal at ang DepEd outdated and overpriced laptop procurement, ay ang dalawang bagong kontrobersyal na kaso na iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman. Pero sa ating pananaliksik, maraming kaso ng katiwalian sa gobyerno ang inaabot ng napakaraming taon bago mailabas ang desisyon. May ibang kaso pa nga na nadidismiss sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing inordinate delay. Paano matatapos ang korapsyon sa ating bayan kung sukdulan nang bagal ng takbo ng hustisya sa mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan? Kailan naman kaya matatapos ang kaso ng PS-DBM Pharmally deal at kaso ng outdated at overpriced na laptops ng Deped? Panibagong kaso ba ito ng inordinate delay? Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
Thu, 31 Aug 2023 - 15min - 136 - ‘Kaibigang Manlulupig’ (Aired August 24, 2023)
Hindi matatapos ang sigalot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea hanggat hindi kinikilala ng China ang ating panalo sa Arbitral Tribunal noong 2016. Patuloy na inaangkin ng China ang mga isla at karagatan sa West Philippine Sea na malinaw na nasa atin ang sovereign rights. Malaki ang interes ng China sa mga isla at karagatan dito dahil sa usaping pang-ekonomiya, militar at depensa, langis at natural gas, at pagkain. Kaya kahit ilan daan pang diplomatic protests ang gawin ng Pilipinas sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea, at pagprotesta laban sa panghaharass nila sa ating mga mangingisda at Philippine Coast Guard, tingin niyo ba ay bibitiw ang China sa kanilang interes sa ating mga karagatan? Think about it.
Thu, 24 Aug 2023 - 16min - 135 - ‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023)
Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inaprubahan ang pamahalaan subalit hindi naman ipinatutupad ng tama. Kung susumahin aabot na sa trilyong piso ang halaga ng perang inilaan ng gobyerno para sa mga proyektong tutugon umano sa problema ng baha. Plano ba talaga ang kulang sa bansang ito, o political will, transparency at accountability sa mga flood control projects na ito? Think about it.
Thu, 10 Aug 2023 - 13min - 134 - ‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023)
Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inaprubahan ang pamahalaan subalit hindi naman ipinatutupad ng tama. Kung susumahin aabot na sa trilyong piso ang halaga ng perang inilaan ng gobyerno para sa mga proyektong tutugon umano sa problema ng baha. Plano ba talaga ang kulang sa bansang ito, o political will, transparency at accountability sa mga flood control projects na ito? Think about it.
Tue, 08 Aug 2023 - 13min - 133 - ‘Bawasan Lang ang Takaw’ (Aired August 1, 2023)
Sa tuwing sinasabing nagkukulang ng pera ang pamahalaan, maliban sa pag-utang, madalas ay dagdag na buwis agad ang naiisip ng gobyerno. Hindi pa nga natin mawari kung paano ginagasta ang nakokolektang Motor Vehicle User's Charge o MVUC, gusto na ng ilang kongresista at ni Pangulong Marcos Jr. na magpataw ng dagdag na Road User's Tax sa mga irerehistrong sasakyan sa LTO. Ang panukala, inaprubahan agad ng House Committee on Ways and Means. Bakit nga ba na sa tuwing kinakapos ng pondo ang gobyerno, laging mamamayang Pilipino ang pinapapasan ng dagdag bigat na buwis? Buti nga sana kung nagagasta nang tama ang nakokolektang buwis at walang mga kaso at iskandalo kaugnay ng pagwawaldas at pagnanakaw sa pera ng bayan. Think about it.
Tue, 01 Aug 2023 - 14min - 132 - Sawa na sa SONA?’ (Aired July 25, 2023)
Mula nang maipatupad ang 1987 Constitution, natunghayan na ng mga Pilipino ang tatlumpu't pitong State of the Nation Address o SONA, ng mga nagdaang Presidente at kasalukuyang Pangulo. Kapansin-pansin na sa nagdaang higit tatlong dekada, paulit-ulit lamang ang mga isyung pang bayan at problema sa gobyerno na nababanggit sa SONA ng mga nauupong Pinuno ng bansa. At kung ano ang narinig ng mga Pilipino sa loob ng tatlumpu't anim na taon, ay halos siya ring narinig sa katatapos na SONA ng Pangulong Marcos Jr. Hindi natin masisisi ang mga kapwa Pilipino kung sila man ay makaramdam ng sawa sa SONA. Ang SONA ay mga salita na walang bisa kung hindi natutumbasan ng gawa. Think about it.
Wed, 26 Jul 2023 - 12min - 130 - ‘Love the Philippines?’ (Aired July 4, 2023)
Kamakailan lamang ay inilunsad ng Philippine Department of Tourism ang bagong slogan na Love the Philippines. Pero hindi pa man nakakabwelo ang bagong slogan, nauna nang kumalat sa ibang panig ng mundo ang balitang paggamit ng DOT ng mga imahe galing sa ibang bansa para sa promotional video ng turismo ng Pilipinas. Bukod sa mga ulat ng perwisyo sa paliparan kung saan kilala rin ang Pilipinas, ang kontrobersya ay nagdulot ng dagdag kahihiyan sa ating bansa.
Love the Philippines - obligado pa rin tayong mga Pilipino na suportahan ang kampanyang ito. Subalit, mapapaganda ba ng anumang slogan ang imahe ng Pilipinas? Think about it.Tue, 04 Jul 2023 - 13min - 129 - ‘Wanted: Unlicensed Nurses’ (Aired June 20, 2023)
Pinaplano ng Acting Secretary ng DOH na punuan ang 4,500 na bakanteng posisyon para sa lisensyadong nurses sa Kagawaran ng Kalusugan sa pamamagitan ng pagkuha ng nursing graduates na may diploma at maging ng mga hindi pa nakapasa sa board exam. Tinututulan ito ng grupo ng mga nurse sa Pilipinas dahil sa mga panganib na kaakibat nito. May mga kwalipikado namang nurses na nananatili ngayon sa bansa kahit mababa ang sweldo, ayon mismo sa Filipino Nurses United. Bakit hindi muna ang mga registered nurse na nagtatrabaho ngayon sa bansa na mga kontraktwal at kumikita lamang ng minimum wage ang kunin ng DOH? Ang kakulangan ng nurses sa DOH ay hindi masosolusyunan sa pagkuha ng mga taong hindi naman nurse, kundi pag-aangat sa sweldo ng mga nurse. Kaya ba itong ibigay ng gobyerno at ng mga pribadong ospital? Think about it.
Tue, 20 Jun 2023 - 12min - 128 - ‘MIF: Paki-explain Please’ (June 8, 2023)
Kinukwestyon sa Senado ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund kahit wala itong test of economic viability na nasasaad sa ating Saligang Batas. Kailangan ito upang maiwasan na mabangkarote ang itinatatag na mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno. Hindi naging malinaw sa panukala kung paano babawiin ng Maharlika Investment Fund ang ilalaan nitong puhunan umano sa pagtatayo ng mga kalsada at mga imprastaktura. Paano ba maiintindihan ng pangkaraniwang mamamayan kung saang paraan gaganansya ang Maharlika Investment Fund kung mismong mga Senador ay hindi maipaliwanag kung paano ito kikita? Sigaw tuloy ng maraming Pilipino matapos itong makalusot sa Kongreso at Senado... MIF: Paki-explain please!
Think about it.Thu, 08 Jun 2023 - 15min - 127 - ‘MIF: Benepisyo o Perwisyo?’ (Aired May 30, 2023)
Patuloy ang pangangalandakan ng mga nagsusulong ng panukalang Maharlika Investment Fund tungkol sa mga benepisyong maibibigay nito sa bayan. Sinertipikahan pa ngang 'urgent' ng Pangulo ang panukala. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong naririnig na detalyadong paliwanag kung paano nga ba ito kikita at makakatulong sa pagpalaunlad ng bayan? Sa kabila ng mga pagtutol sa Maharlika Investment Fund, bakit minamadali ang pagpapasa nito?
MIF: Benepisyo o Perwisyo? Think about it.Tue, 30 May 2023 - 18min - 126 - Suggested retail price para sa sibuyas (Aired May 23, 2023)
Nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa pula at puting sibuyas, at nagbanta laban sa mga nagtitinda na hindi susunod sa SRP. Sa kabila ng mga inilantad ng House Committee on Agriculture and Food na matitibay na ebidensya laban sa kartel ng sibuyas, tanging pagtatakda ng SRP ang magagawa ng DA? At sa halip na mapagsamantalang traders at wholosalers ng sibuyas ang kanilang tugisin, bakit mga nagtitinda na naman ang pinagbabantaan ng pagpapatupad nila ng SRP na may kaakibat daw na kaparusahan. Think about it.
Tue, 23 May 2023 - 14min - 125 - ‘Butas sa Batas’ (Aired May 9, 2023)
Inihahanda na ng Sugar Regulatory Administration ang distribusyon ng sinasabing smuggled na 4,000 metric tons na puting asukal na ibebenta sa Kadiwa stores nationwide. Ibebenta na ang smuggled sugar, eh kumusta naman ang smugglers? Ngayon, nakatuon ang atensyon ng ilang mambabatas sa pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act. Bakit, sa batas ba ang problema o sa nagpapatupad ng batas? Kahit na amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act o R.A. 10845, Bureau of Customs pa rin ang pangunahing ahensya na magpapatupad nito... Think about it.
Tue, 09 May 2023 - 11min - 124 - ‘Turuan sa Gobyerno’ (Aired May 2, 2023)
Inanunsyo ng LTO ang extension ng validity ng mga Driver's License ng mga Pilipino hanggang Oktubre trenta'y uno ngayong taon dahil nagkaubusan daw ng plastic cards. Nag-aabiso na rin ang hepe ng LTO na kakapusin din ang supply ng mga plaka ng motorsiklo at mga sasakyan ngayon ding taon. Nagtuturuan ang DOTR at LTO pagdating sa isyu ng malaking backlog sa plaka at kakapusan sa supply ng lisensya at isinisisi nila ang problema sa kakulangan sa pondo at umiiral na panuntunan ng gobyerno. Habang ang mga taong gobyerno ay nagtuturuan, mga Pilipino ang magtitiis kahit ang mga drayber at may-ari ng sasakyan at motorsiklo ay nagbayad na ng karampatang halaga para makakuha ng lisensya at plaka. Think about it.
Thu, 04 May 2023 - 11min - 123 - ‘The War Within...’ (Aired April 25, 2023)
Matapos ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin nya mismo na nabigo siya sa kanyang pangako na masawata ang problema sa ilegal na droga sa bansa. At wala pang isang taon sa pag-upo ang bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinapubliko ng kalihim ng DILG ang ika niya ay malawakang pagtatakip ng mga alagad ng batas sa tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang problema sa droga noon ay napakalaking problema pa rin ngayon. At ang gera kontra ilegal na droga ay hindi matutuldukan kung hindi mapupurga ang hanay ng gobyerno sa mga tiwaling tauhan nito na siyang kasangkapan ng totoong drug lords. Think about it.
Tue, 25 Apr 2023 - 12min - 122 - ‘Walang Cover-up?’ (Aired April 18, 2023)
Oktubre 2022, ibinida ng DILG at PNP ang tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng bansa kung saan nakasabat ang PNP ng halos isang toneladang shabu na aabot sa halagang 6.7 bilyong piso. Pero makalipas lamang ang anim na buwan, ang accomplishment ng gobyerno ay napalitan ng eskandalo matapos ibulgar ni DILG Secretary Benhur Abalos ang umano'y malawakang pagtatakip ng pambansang pulisya sa pagkakadawit ng isang pulis sa nasabat na ilegal na droga noong nakaraang taon. Sa pag-iimbestiga ng DILG, lumalabas na ang salaysay ng PNP sa pag-aanunsyo ng pinakamalaking drug bust noong 2022 ay salungat sa mga pangyayari na kuha ng CCTV, na kinokontra naman ngayon ng mismong hepe ng PNP. Saan hahantong ang sinasabing "massive attempt to cover-up" sa tinaguriang pinakamalaking anti-drug operation sa kasaysayan ng Pilipinas? Nasaan na nga pala, at ano na ang nangyari sa kaso ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na siyang pulis na sangkot sa P6.7billion drug bust na ito? Think about it.
Tue, 18 Apr 2023 - 17min - 121 - ‘Ang Pangarap Niyo...’ (Aired March 23, 2023)
Inaabangan ng marami nating kababayan ang bente pesos kada kilo ng bigas na ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong panahon ng kampanya. Pero para sa isang grupo ng mga magsasaka, ang pangakong ito ay maisasakatuparan lamang kung mapapababa ang production cost ng pagsasaka ng palay. Paano naman kasi makapagbebenta ang isang negosyante ng bente pesos per kilo ng bigas, kung ang farm gate price ng palay ay higit dalawampung piso na? Pagbibigay ng subsidiya ang posibleng sagot para makabili ang mahihirap na pamilyang Pilipino ng murang bigas, pero may pagkukunan ba ang gobyerno ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa subsidiya? Think about it.
Thu, 23 Mar 2023 - 10min - 120 - ‘Sulit Nga Ba?’ (Aired March 14, 2023)
Umabot na sa 13.7 trilyong piso ang pambansang utang ng Pilipinas. Sa kabila ng laki ng ating utang, binabalak ng Kamara de Representante na gumasta ng siyam na bilyong piso para sa pag-aamyenda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con. Sulit naman daw ang gagastusin ng taong bayan para rito dahil ang Con-Con ang susi sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa. Pero saan naman natin kukunin ang siyam na bilyong piso kung ang ating gobyerno ay naghahagilap pa ngayon ng pagkukunan ng pera para sa isang libong pisong ayuda na ibibigay sa siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino? Think about it.
Tue, 14 Mar 2023 - 15min - 119 - ‘Programang Hinog sa Pilit’ (Aired March 7, 2023)
Isinusulong ang PUV Modernization Program upang mapalitan ang mga luma at tradisyunal na pampublikong sasakyan para sa ikagiginhawa ng pagbiyahe ng mga mananakay. Subalit sa isang pag-aaral ng isang retiradong Propesor sa UP, lumalabas na may ilang importanteng bagay na hindi nabigyan ng pansin sa pagpapatupad ng programa, kagaya ng presyo, kalidad at dami ng kakailanganing modernized PUVS. At hanggang ngayon ay hindi malinaw kahit ang Route Rationalization Plan ng LTFRB. Pinag-isipan ba talaga ng pamahalaan ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program o implement now, plan later na naman ang balak mangyari ng gobyerno? Think about it.
Tue, 07 Mar 2023 - 16min - 118 - ‘Sounds Familiar? Gets Mo! (Aired February 28, 2023)
Pagkatapos ng kontrobersyal na Sugar Oder No. 4 na inilabas ng SRA noong Agosto ng nakaraang taon, mayroon na naman ngayong Sugar Oder No. 6 na nais paimbestigahan sa Senado at Kongreso. Bago pa man kasi dumaan sa legal na proseso ang Sugar Order No. 6, may dumating nang imported na asukal sa pantalan at tanging Undersecretary ng DA ang nagpasya kung sinong importers ang mabibigyan ng alokasyon sa pag-aangkat ng asukal.
Pero katulad ng Sugar Order No. 4, hahayaan lang kaya nilang umusad ang imbestigasyon, at sa bandang huli ay iabswelto muli ng tanggapan ng Pangulo ang opisyal na umano'y lumabag sa proseso at tawagin muli ang pangyayari bilang "miscommunication"? Think about it.Tue, 28 Feb 2023 - 13min - 117 - ‘Sampol...Sampol?’ (Aired February 21, 2023)
Taong 2013 nang mag-umpisa na ang imbestigasyon ng Kamara de Representante tungkol sa cartel at ilegal na pag-iimbak o hoarding ng mga produktong agrikultural, partikular sa bawang. Ang modus sa bawang noon ay siya ring modus operandi sa sibuyas ngayon na dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas. Subalit sampung taon na ang nakakaraan, hanggang ngayon ay wala pa ring nasasampolan ang gobyerno. Sa dami ng kinasuhan, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring sindikatong napaparusahan? Kasi, may mga taong gobyerno na sangkot sa sindikato? Think about it.
Tue, 21 Feb 2023 - 15min - 116 - ‘MIF: Ano Ba Talaga?’ (Aired February 7, 2023)
Ipinapangako ng mga mambabatas na nagsusulong ng Maharlika Investment Fund ang investment return na magbibigay ng mas maraming proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas. Pero hanggang sa ngayon ay hindi nila maipaliwanag kung sa paanong paraan kikita ang perang puhunan na magmumula sa Landbank, Development Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas at PAGCOR. Ayon sa isang financial expert, ang anumang investment ay walang garantiyang kikita. Nakakalimutan ba ng ating mga mambabatas ang kasabihang, if it's too good to be true, it ain't true? Think about it.
Tue, 07 Feb 2023 - 10min - 115 - ‘Bottomline: Political Will’ (Aired February 2, 2023)
Sa dinami-dami ng smuggled na produktong agrikultural na nasasabat ng Bureau of Customs, at pagkakaroon ng batas na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, nakapagtataka na wala pa ring smuggler na nakakulong hanggang ngayon. Malinaw man ang probisyon ng batas kontra-smuggling, nais pa rin ng ilang Senador na palakasin pa raw ito sa pamamagitan ng pag-aamyenda ng umiiral na batas. Batas ba talaga ang problema o ang mga opisyal na dapat magpatupad ng batas? Magpasa man tayo ng bagong batas o magpalit ng implementing agency, ngunit kung walang political will ang mga pinuno ng gobyerno para ipatupad ang batas, ay magpapatuloy ang talamak na smuggling at mga kartel sa bansa. Think about it.
Thu, 02 Feb 2023 - 11min - 114 - ‘Underacting Secretary?’ (Aired January 24, 2023)
Sa pag-upo bilang Pangulo ng Pilipinas ni Bongbong Marcos Jr., sinabi niya na gagawin niyang agriculture hub ang Pilipinas, at para matutukan ang sektor ng agrikultura, siya mismo ang magsisilbi bilang Acting Secretary ng Department of Agriculture. Subalit sa loob ng pitong buwan ng pag-aktong Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura ni Pangulong Marcos Jr., nanatili ang problema ng ASF sa mga baboy at bird flu sa mga manok, tumaas din ang presyo ng asukal, sibuyas, itlog, at susundan pa raw ng pagtaas naman ng presyo ng bigas, ayon sa isang agricultural group, dahil sa kakulangan ng produksyon. Sa pabigat na pabigat na suliraning pang-agrikultural ng bansa, natututukan ba talaga ng Acting Secretary ng DA ang kanyang tungkulin, o panahon na para magtalaga ng permanenteng kalihim sa kagawaran? Think about it.
Tue, 24 Jan 2023 - 11min - 113 - ‘Sugar, Bakit Ka Mahal?’ (Aired January 19, 2023)
Kasabay ng panahon ng production at milling ng local sugar producers sa bansa, ay ang pagdating ng tone-toneladang imported na asukal. Pero nakapagtataka na sa Bantay Presyo ng DA, umaabot pa rin sa humigit isandaang piso ang kada kilo ng asukal sa palengke at supermarkets. Ayon sa ating local sugar producers mababa ang millgate price dahil sa dami ng supply, pero wala umanong ideya ang grupo ng supermarket owners kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng asukal na dumarating sa kanila. Tuloy-tuloy ang importasyon ng asukal, panahon ng lokal na produksyon nito ngayon... Sugar, sugar, bakit ka pagkamahal?
Think about it.Thu, 19 Jan 2023 - 11min - 112 - ‘Syndicated Onion’ (Aired January 17, 2023)
Ang Pilipinas ay hindi self-sufficient sa sibuyas kaya ang Kagawaran ng Agrikultura ay nakasandal pa rin sa importasyon para punan ang pangangailangan ng bansa. Pero kung importasyon ang solusyon sa kakulangan, bakit pumalo sa walong daang piso ang presyo ng bawat kilo ng sibuyas sa palengke sa gitna ng sinasabing pagdagsa ng imported na sibuyas? Pagtataksil naman sa hanay ng lokal na magsasaka ang turing ng isang grupo ng onion farmers sa desisyon ng gobyerno na magparating ng karagdagang 21 milyong kilo ng sibuyas kung kailan panahon na ng anihan. Kasabay naman ng anunsyo ng pamahalaan tungkol sa pag-aangkat ng sibuyas ay ang unti-unting pagbaba ng presyo nito at paglabas ng stock ng sibuyas mula sa mga cold storage. Ito ba ay pagpapatotoo na mas organisado ang galaw ng importers at smugglers kaysa sa ating gobyerno? Think about it.
Tue, 17 Jan 2023 - 11min - 111 - ‘Tsubibo ng China’ (Aired January 10, 2023)
Mula taong 2016 hanggang 2022, naghain ang Pilipinas ng 388 diplomatic protests laban sa China dahil sa dumaraming reports ng pamamayagpag ng Chinese Coast Guard at Chinese Militia vessels sa ating karagatan, at patuloy na pangha-harass ng mga ito sa mga mangingisdang Pilipino at maging sa Philippine Coast Guard. Ito ay sa kabila ng walong beses na pagkikita ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jin Ping ng China, para pag-usapan ang tungkol sa West Philippine Sea. At sa pag-uwi ng bagong Pangulong Marcos Jr. mula sa kanyang kauna-unahang state visit sa China, kapansin-pansin na ang bahagi ng nilalaman ng lumabas na Joint Statement of the People’s Republic of China and the Republic of the Philippines tungkol sa South China Sea ay para bang "copy paste" lamang mula sa naging state visit ni dating Pangulong Duterte noong 2016. Ito ba ay palatandaan na naman na tayo ay muling paiikutin ng China, at hindi pa rin sila mgpapaawat sa kanilang mga aktibidad sa West Philippine Sea na maliwanag na sakop ng ating Exclusive Economic Zone? Think about it.
Wed, 11 Jan 2023 - 09min - 110 - ‘Drama sa Sibuyas’ (Aired January 3, 2023)
Makasaysayan at nakakadismaya ang pagsipa ng presyo ng puting sibuyas sa halagang 800 pesos kada kilo, at pulang sibuyas na pumalo na sa 720 pesos. Ang Department of Agriculture ay may Bantay Presyo na nagtatakda ng opisyal na retail price ng mga produktong agrikultural na mabibili sa mga palengke, pero ito ay hindi naman nasusunod. Kinumpirma naman ng grupong SINAG na karamihan sa mga sibuyas na ibinebenta sa mga pamilihan ay mga puslit o smuggled. Patuloy ang problema ng smuggling ng produktong agrikultural partikular ng sibuyas, sa kabila ng pagmamayabang ng Bureau of Customs ng kanilang nasasabat na smuggled agricultural products pero wala namang naaaresto? Natukoy na rin daw ng kongreso ang umano'y "mafia" na nagpapatakbo ng agricultural smuggling, pero wala namang ipinahuhuli? Nagmimistulang drama lang ba ang sinasabing pagtugon ng gobyerno sa pasanin ng bayan sa presyo ng sibuyas? Think about it.
Wed, 04 Jan 2023 - 08min - 109 - ‘Damay-damay’ (Aired December 20, 2022)
Pumasa na sa third and final reading sa kongreso ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act matapos bumoto ang 279 na kongresista na pabor sa panukalang batas na certified urgent ng Presidente. Subalit pinalitan man ito ng titulo at inalis man ang SSS at GSIS na isa sa mga pagmumulan ng paunang kapital, isang siyentista at ekonomista na ang nagsasabing ang Maharlika Investment Fund ay "beyond repair". Gayunpaman, minadali ng kongreso ang pagpapasa ng panukalang batas at napagdesisyunan na ang pagkukunan ng paunang kapital ay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Pinag-aralan bang mabuti ng mga kongresistang nag-apruba ng Maharlika Investment Fund ang implikasyon sa banking system ng Pilipinas sa gagawing panghihimasok sa perang iniingatan ng BSP, LBP at DBP? Paano kung malugi ang Maharlika Investment Fund? Think about it.
For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
Tue, 20 Dec 2022 - 15min - 108 - ‘Maharlika Wealth Fund’ (Aired December 6, 2022)
Maingay na pinag-uusapan ngayon ang panukala na pagkakaroon ng Pilipinas ng Maharlika Wealth Fund, kung saan ang inisyal na kapital na 275 billion pesos ay magmumula sa mga malalaking government financial institutions gaya ng Landbank of the Philippines, SSS at GSIS, maging sa National Government at Bangko Sentral ng Pilipinas. Maharlika Wealth Fund, kailangan ba ito ng Pilipinas ngayon na ang gobyerno ay nangungutang pa nga para mapunan ang pambansang budget? At mapagkakatiwalaan ba ang Maharlika Wealth Fund kung ito ay patatakbuhin ng tatawaging Maharlika Wealth Fund Corporation na exempted sa GOCC Governance Act, Civil Service Law at Salary Standarzation Act, pati na sa Government Procurement Act, at exempted sa lahat ng uri ng buwis? Maharlika Wealth Fund na nagpapanggap na Sovereign Wealth Fund? Ano ang hiwaga sa panukalang ito?
Think about it.Tue, 06 Dec 2022 - 21min - 107 - ‘Oath of Office’ (Aired December 1, 2022)
Ang oath of office o panunumpa sa tungkulin ay napakahalaga para sa mga halal na public officers bago sila magsimula ng panunungkulan. Ito ay pahiwatig na ang mga nahalal na lingkod bayan ay sumusumpa sa Diyos at sa sambayanan na gagampanan nila nang mabuti at buong katapatan ang kanilang panunungkulan, at nangangakong hindi gagamitin ang katungkulan para sa sariling interes, at anumang interes pampinansyal ng kanilang pamilya. Subalit ang malungkot na katotohanan, may iba na nagpapakilalang lingkod bayan na pinapamunuan pa nga ang mga importanteng komite sa lehislatura, pero hindi dinidinig ang mga napakahalagang panukalang batas na magiging kapaki-pakinabang sa bayan, dahil ito ay magiging hadlang sa mga pinansyal na interes ng kanilang pamilya at angkan? Hahayaan lang ba natin ito? Think about it.
Thu, 01 Dec 2022 - 12min - 106 - ‘Insult to Intelligence’ (Aired November 29, 2022)
Ang confidential fund ay nakalaan para sa surveillance activities ng civilian government agencies, habang ang intelligence fund naman ay para sa militar at security officials and personnel sa kanilang pangangalap ng mga impormasyon para pangalagaan ang seguridad ng bansa. At sa 5.268 trilyong pisong pambansang budget ng Pilipinas para sa 2023, ang kabuuang halaga ng confidential at intelligence funds ay umaabot sa halagang 9.2 bilyong piso, kung saan ang pinakamalaking bahagi ay mapupunta sa tanggapan ng Pangulong Marcos na nasa 4.5 bilyong piso. Ang pondong ito ay higit pa sa pinagsamang confidential at intelligence funds ng mga sangay ng pamahalaan na siyang may pangunahing tungkulin para sa pangangalaga ng seguridad ng bansa. Habang ang office of the Vice President ay may panukalang 500 milyong piso na confidential fund. Karapat-dapat ba talagang tumanggap ng ganito kalaking budget ang opisina ng Presidente at Bise Presidente, pati na ng ibang sangay ng gobyerno na wala namang kinalaman sa pangangalaga ng ating national security? At paano susuriin ng Commission on Audit ang magiging paggasta ng bilyon-bilyong pisong pondo kung napakadaling ikatwiran na confidential nga ang pinaggamitan nito. Think about it.
Tue, 29 Nov 2022 - 11min - 105 - Kasakiman ng Tao’ (Aired November 17, 2022)
Ibinalita ng DENR ang pakikiisa umano ng Pilipinas sa tinaguriang One Planet Initiative na naglalayong lumikha ng mga solusyon para labanan ang lumulubhang climate change, at pangangalaga sa ecosystem at biodiversity ng kalikasan. Pero ang naiulat na adbokasiyang ito ay taliwas sa nakakabinging katahimikan ng ahensya sa nangyayari ngayong reklamasyon sa Manila Bay na isang deklaradong key biodiversity area, para lamang magbigay daan sa mga commercial at business districts. Sa katanuyan, mayroong labing anim na reclamation projects sa Manila Bay na mariing tinututulan ng mga siyentista at environmentalists dahil magdudulot ito ng malawakang pinsala kapag nagkaroon ng malakas na bagyo at paglindol. At kapag nangyari ang mga delubyong pinapangambahan ng mga siyentista, posibleng wala na ang mga negosyanteng nagsusulong ng proyekto at mga taong gobyerno na nag-apruba nito para managot sa taong bayan, pero tiyak na ang susunod na henerasyon ang magdudusa sa panganib na dala ng reklamasyon. Think about it.
Thu, 17 Nov 2022 - 17min - 104 - ‘Oplan Galugad Forever’ (Aired November 10, 2022)
Kahit taun-taong kasama sa accomplishment ng Bureau of Corrections ang kanilang tinatawag na "Search and Confiscation of Contrabands", madalas pa ring pumutok ang mga kontrobersya kaugnay sa hindi maayos na pagpapatakbo ng New Bilibid Prison. Nariyan ang tumambad noon na magagarang kubol ng ilang high-profile inmates sa maximum security compound ng bilibid, at anomalya sa pagpapalaya ng BuCor sa mga kriminal na may karumal-dumal na krimen sa ilalim ng programang Good Conduct Time Allowance. At ngayon, nahaharap na naman sa panibagong kontrobersya ang ahensya dahil sa pagkamatay ng isang bilanggo na may kaugnayan sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Mabasa. Sa pag-upo ng bagong Officer-in-Charge ng BuCor, tuluyan na nga bang titino ang sistema sa New Bilibid Prison, o ang mga dating problema ay magpatuloy lang at muli na namang magpalit ng bagong hepe ng BuCor? Think about it.
Fri, 11 Nov 2022 - 15min - 103 - ‘Trabaho Sa/Ng Gobyerno’ (Aired November 3, 2022)
Gobyerno ang tumutugis sa mga pribadong kumpanya na hindi nagbibigay ng karampatang benepisyo sa mga empleyado, lalo na yung mga patuloy kinokontrata ang mga manggagawa kahit na mahalaga ang ginagampanan nilang trabaho. Pero tila mas masahol pa ang gobyerno sa paglabag sa karapatan ng mga mangagawang Pilipino, dahil base sa Inventory of Human Resources ng Civil Service Commission, aabot sa higit anim na raang libo ang contract of service at job order workers ang nasa iba't-ibang sangay ng pamahalaan, kasama ang nasa executive offices at local government units. Kaya maraming pobreng mangagawa ang deka-dekadang nanilbihan sa national at local government offices na inabot na ng pagreretiro subalit walang nakuhang kahit anumang benepisyo. At sa isang pag-aaral, lumalabas na ginagamit ng ilang pulitiko ang mga job order workers na ito para sa kanilang personal na interes. Think about it.
Fri, 04 Nov 2022 - 13min - 102 - ‘Turuan sa Bukulan’ (Aired October 27, 2022)
Pagkatapos ng limang hearing, tuluyan nang winakasan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon tungkol sa isiniwalat ng COA sa kanilang Audit Report na 2.4 bilyong pisong halaga ng "pricey" at "outdated" na laptops na binili ng DepEd, sa tulong ng Procurement Service ng DBM. Sa mga hearing na isinagawa ng Komite na imbitado ang ilang opisyal ng DepEd at DBM-PS, pati kinatawan ng mga nanalo at natalong bidders, nakumpirma ng mga Senador ang nakasaad sa COA Report. Sa pagtuturuan ng mga opisyal, natuklasan din sa imbestigasyon na hindi malinaw sa parehong panig ng DepEd at DBM-PS kung anong Memorandum of Agreement ang kanilang naging basehan para sa Invitation to Bid. Sa mabilis na paggasta ng pera ng bayan ay nagkaisa sila, ngunit ngayong naghahanap na ang bayan kung sino ang may pananagutan... nagtuturuan na? At may mapanagot naman kaya sa tahasan nanamang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan? Think about it...
Thu, 27 Oct 2022 - 28min - 101 - “Praise Release” (Aired October 20, 2022)
Naglabas muli ng press release ang Bureau of Customs tungkol sa nasabat umano ng ahensya na 76 containers sa Port of Manila na naglalaman ng 228 milyong pisong halaga ng imported refined sugar. Pero bago ang lahat, ano na ba ang balita sa lahat ng ginawang "pagbisita" ng BOC sa iba't-ibang bodega sa Luzon at Mindanao mula Agosto hanggang Setyembre ng taon, na umano'y puno ng hoarded at smuggled na asukal? May nakasuhan na ba? May nakulong na ba? At nasaan na ang mga asukal? O na wow mali na naman sila? Mapapaisip tuloy tayo, hindi kaya ang lahat ng press release na inilalabas ng Bureau of Customs ay maituturing lamang na... "praise" release? Think about it.
Fri, 21 Oct 2022 - 09min - 100 - “Ipagpaliban...Para sa Bayan?” (Aired October 18, 2022)
Sa bisa ng Republic Act 11935, ang nakatakda sanang Barangay at SK Elections ngayong taon ay ipagpapaliban at isasagawa na sa Oktubre 2023. Ang katwiran ng mga mambabatas sa pagpapaliban ay para makatipid at magamit raw ang pera para sa pangangailangan ng ating mga kababayan... Para sa bayan nga bang maituturing, kahit ipinagdiinan na ng Comelec na dodoble ang gastusin ng gobyerno kapag iniurong ang Barangay Elections sa susunod na taon? Pero sino ba naman tayo para kwestyunin ang katalinuhan ng ating mga mambabatas... Hindi ba't wala naman tayong magagawa kundi mag-ambagan na naman at paghirapan ang dagdag bilyong pisong pondo dahil sa pagpapaliban ng halalan? Think about it...
Tue, 18 Oct 2022 - 12min - 99 - “Bantay Presyo” (Aired October 13, 2022)
#TedFailonandDJChaCha | Kahit sino siguro ang tanungin ngayon ay alam ang kahulugan ng salitang inflation, dahil ramdam ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. At nakakadismayang malaman na napakalaki ng diperensya sa presyo ng mga gulay sa bagsakan nito sa Benguet, kumpara sa listahan ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila. Maganda ang pangarap ng Pangulo na gawing sentro ng agrikultura sa buong daigdig ang Pilipinas. Pero ang katuparan ng pangarap na ito ay malayo kung hindi magsisimula ang maayos at mabilis na pagkilos ng mga tauhan ng Kagawaran ng Agrikultura na pinamumunuan mismo ng Pangulo. Think about it...
Thu, 13 Oct 2022 - 10min - 98 - “Irrelevant” (Aired October 11, 2022)
Importante at karapatan ng taumbayan ang pagtatanong kung saan kumukuha ng pera ang isang opisyal ng gobyerno sa kanyang pangingibang bansa, mapa-personal trip o official visit man ito. Pero nang tanungin ng media kung sino ang gumastos sa naging byahe ng Pangulong Marcos Jr. kasama ang pamilya para manood sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore kamakailan lang, tinawag na "irrelevant" ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang katanungan ng media. Kailan pa naging irrelevant ang pagtatanong ng mamamayan sa paggamit ng pondo ng bayan? Paano mo aalamin ang katotohanan sa mga isyung pambayan kung ang iyong gagawing pag-uusisa ay sasabihing "irrelevant?" Think about it...
Tue, 11 Oct 2022 - 11min - 97 - “Corruption Pa Rin...” (Aired September 22, 2022)
Sa pinakahuling survey sa mga CEO, korapsyon pa rin ang nakikita ng business leaders na pinakamabigat na balakid sa economic recovery ng bansa. Kaya naman ang "accountability and transparency" at "fight against corruption" ang nais nilang unahin at dapat tutukan ng Marcos administration, at pumapangatlo lamang ang "attracting more foreign investments". Bago sana ibida ni Pangulong Marcos Jr. na investor friendly ang Pilipinas sa kanyang mga state visit ay ayusin muna natin ang matagal nang inirereklamo ng mga kasalukuyang negosyante sa Pilipinas. Gaano man karaming pledges mula sa foreign investors ang maiuwi ng ating Pangulo, hindi kaya manatiling pangako lang ang mga ito hanggat nand'yan pa rin ang korapsyon na matagal nang sakit ng gobyerno? Think about it...
Thu, 22 Sep 2022 - 12min - 96 - “Mitsa” (Aired September 20, 2022)
Sa paglipas ng taon, pababa nang pababa ang self-sufficiency ratio ng bansa pagdating sa produktong agrikultural ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, habang tumataas naman ang ating import dependency. Importasyon ang laging solusyon ng gobyerno sa krisis sa pagkain kahit nabubulukan ng produkto ang ating magbubukid, na isinisisi pa sa kanila ng mga matataas na opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura. Sa nagdaang 88 araw mula nang maupo ang bagong administrasyon, natukoy na kaya nila kung bakit hindi mapagtagumpayan ng bansa ang adhikain nito sa food security? At sa pag-upo ng pangulo bilang kalihim mismo ng Department of Agriculture, napag-usapan na kaya ang kawalan ng kakayahan ng mga taong namamalakad sa ahensya na isa sa mga problema? Ang food crisis ay isang mitsa sa ilan pang problemang panlipunan. Kailangan bang masagad ang mitsa? #ThinkAboutIt
Tue, 20 Sep 2022 - 14min - 95 - ‘Pasahan...Sisihan...Na Naman’ (Aired September 6, 2022)
Humarap na sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga opisyal ng DepEd at Procurement Service ng DBM hinggil sa binili nilang 2.4 bilyong pisong halaga ng laptops na di umano'y overpriced at outdated. Isa sa naging mainit na tanong ng mga Senador ay kung bakit pumayag ang DepEd na mula sa P35,000 na halaga ng bawat laptop ay itinaas ito ng DBM-PS sa presyong nasa P58, 000 ang isa, para sa parehong specifications. At nang busisiin na sa pagdinig ang isyu ng naging proseso sa pagbabago ng presyo, nagpasahan at nagsisihan na ang mga opisyal at kawani ng DepEd at DBM-PS. Kung sa pagbabago pa lang ng presyo ng laptop ay nagpapasahan na sila, ano naman kaya ang kanilang ikakatwiran kapag pinag-usapan na ang kalidad ng kanilang biniling napakamahal na laptops? Think about it...
Tue, 06 Sep 2022 - 18min - 94 - ‘May Makulong Naman Kaya’ (Aired August 30, 2022)
Sa banta ng krisis sa supply ng asukal, nagkaroon ng kabi-kabilang pagdalaw ang Bureau of Customs sa malalaking bodega ng asukal. Tinawag ng Malacanang na "artifical" o hindi totoo, ang sinasabing kakapusan sa supply ng asukal na dulot lang umano ng hoarding ng traders na umiipit sa supply upang tumaas ang presyo nito. Sa katanuyan, aabot na sa higit isang milyong sako ng asukal ang nadiskubre ng customs mula sa mga bodega sa Luzon at Mindanao, pero hanggang ngayon hindi pa rin tinutukoy kung may legal na dokumento ang mga asukal sa bodega o ilegal ang nakaimbak na mga asukal na ito. Sa kasaysayan ng DTI at Bureau of Customs, wala pang napakulong dahil sa hoarding at smuggling, subalit ngayong tutok ang ating Pangulo sa usapin ng supply ng asukal, may mapakulong na kaya na hoarder at smuggler? Think about it...
Tue, 30 Aug 2022 - 13min - 93 - “Buy Now, Plan Later” (Aired August 23, 2022)
Taong 2020 nang magkaroon ng inisyatiba ang Department of Information and Communications Technology na tumulong sa sektor ng edukasyon sa panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tablets, laptops at pocket wifi. Maganda ang adhikain ng programa subalit hindi naging maayos ang implementasyon na humantong sa oversupply at overstocking ayon sa ginawang pagsusuri ng Commission on Audit. Saan ka naman kasi nakakita ng proyekto na hindi tinukoy ang mga benepisyaryong makatatanggap pero bumili na agad ng mga laptop at tablet na nagkakahalaga ng 92 milyong piso, kaya nakatambak lang sa bodega. Ang proyektong ito ng DICT ay isa nanaman bang kaso ng supplier-driven purchase ng gobyerno na nagpapakita ng kapabayaan sa paggasta ng pera ng bayan? Think about it...
For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
Tue, 23 Aug 2022 - 10min - 92 - Logic and Common Sense (Aired August 16, 2022)
Kung ikaw ay may budget na P58,000 para pambili ng laptop, pipili ka ba ng laptop na mabagal, mababa ang specs at outdated? Sa simpleng paggamit ng sentido komon, hindi ka bibili ng outdated na laptop kung perang galing sa sweldong pinaghirapan mo ang ipambabayad mo. Pero ang Department of Education at DBM-Procurement Service, tila hindi gumamit ng logic at common sense sa paggamit ng pondong 2.4 bilyong piso para bumili ng mga kwestyunableng laptop na inirereklamo ngayon ng mga gurong nakatanggap. Logic at common sense lang din ang kailangan para maramdaman mo na may problema sa naging paggasta ng DepEd at DBM-PS sa pera ng bayan para sa mga "mahiwagang" laptop.
Think about it...Tue, 16 Aug 2022 - 09min - 91 - Hindi Maanomalya? (Aired August 11, 2022)
Sa inilabas na 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit sa Department of Education at Procurement Service ng DBM, pumutok ang balita tungkol sa kwestyunableng mga laptop na binili ng DepEd na may kabuuang halaga na 2.4 bilyong piso galing sa pondo ng Bayanihan 2 fund. Inilarawan ng COA ang mga laptop na binili para sa public school teachers para sa distance learning na 'pricey' at 'outdated', dahil nagkakahalaga ang bawat isa ng P58,300 kahit napakababa ng specifications ng mga ito at hindi pasado sa technical requirements ng DepEd, kaya sangkaterba ang reklamo ng mga gurong nakatanggap nito. Depensa ng DepEd, Procurement Service ng DBM ang responsable sa procurement ng mga kwestyunableng laptop at hindi maanomalya. Ano sa palagay niyo, umusad kaya ang imbestigasyon na isinusulong sa kamara? Magkusa kaya ang Senado ng imbestigasyon sa napakaimportanteng isyung pang-bayan na ito? Think about it....
Thu, 11 Aug 2022 - 23min - 90 - Korapsyon sa Agrikultura (Aired August 4, 2022)
Sa halos lahat ng talumpati sa tatlumpu't limang State of the Nation Address ng mga nagdaang Pangulo, mula kay Pangulong Corazon Aquino hanggang sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, laging nababanggit ang programa para sa agrikultura. Pero ang laging ipinapangako na farm-to-market roads at iba pang pasilidad para sa magsasaka, nauwi sa korapsyon ang ilang bilyong pisong pondo tulad ng pork barrel fund scam, fertilizer fund scam, talamak na agricultural smuggling at iba pa. Gayunpaman, sa dami ng planong sinambit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang nagdaang SONA, bakit walang nabanggit tungkol sa korapsyon? Ano kaya ang plano ng administrasyon para masugpo ang korapsyon na magiging pangunahing problema para maipatupad ang lahat ng kanilang programa, lalo na sa sektor ng agrikultura? Think about it.
Thu, 04 Aug 2022 - 10min - 89 - DPWH: Departamentong Paborito Part 2 (Aired July 26, 2022)
Sa 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit, lumalabas na ang DPWH ay may mababang utilization rate dahil sa higit 700 bilyong pisong pondo ng kagawaran, nasa 258.4 bilyong piso ang hindi nila nagasta hanggang katapusan ng 2021. Habang sa mga imprastraktura na pinaglaanan ng pera ng DPWH sa buong bansa, libo-libo ang mga proyektong nakita ng COA na hindi pa nasimulan o unimplemented, delayed, unfinished, suspended, terminated at substandard. Ang mga obserbasyong ito ng COA ay nakita na rin sa 2020 Audit Report ng DPWH, subalit sa kabila ng kapabayaan ng ahensya, bakit pa rin naglalaan ang pamahalaan ng pagkalaki-laking pondo sa isang departamento na hindi naman nagagasta nang tama ang perang ibinibigay sa kanila? Ngayong bago na ang administrasyon, may maganda kayang pagbabagong mangyari sa paboritong departamento? Magkano na naman kaya ang perang ilalaan sa kanila mula sa 2023 national budget? Think about it.
Tue, 26 Jul 2022 - 15min - 88 - DPWH: Departamentong Paborito (Aired July 21, 2022)
Sa mga nagdaang taon, laging pumapangalawa sa DEPED ang DPWH sa mga departamentong binibigyan ng pinakamalaking pondo mula sa ating pambansang budget. Ito ay sa kabila ng taun-taong pagsita ng Commission on Audit sa DPWH dahil sa mga proyektong hindi natatapos, pati na mababang utilization rate ng ahensya. Samantalang ang Department of Agriculture na pangunahing ahensya na kailangang tumugon sa food security ng bansa ay may napakaliit na pondo kumpara sa DPWH na kapansin-pansin na paboritong departamento ng ehekutibo at lehislatura. Ang magiging alokasyon ng trilyong pisong pambansang budget ng administrasyong Marcos ang magpapatunay kung totoong prayoridad ng kasalukuyang gobyerno ang seguridad sa pagkain at kalusugan ng mga Pilipino. Think about it.
Thu, 21 Jul 2022 - 09min - 87 - ‘Mga Plastic...’ (Aired July 14, 2022)
Bilang tugon sa climate change, balak ng pamahalaan na patawan ng buwis ang single-use plastics, kaya sangkaterbang panukala na naman ang nakaabang na ihahain sa papasok na kongreso. Pero alam niyo ba na dalawampu't dalawang taon na ang nakakaraan nang maipasa ang batas kontra single-use plastic na RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na inoobliga ang National Solid Waste Management Commission na pinapangunahan ng kalihim ng DENR, na maglabas ng listahan ng Environmentally Acceptable Products, subalit inabot na ng dalawang dekada ay wala pa rin. Lumabas sa isang pag-aaral na malaking porsyento ng plastic residuals ay mga branded na produkto mula sa malalaking korporasyon. Ito kaya ang nakakaimpluwensiya sa desisyon ng sinumang umuupong opisyal ng DENR kaya hanggang ngayon ay walang listahan ng mga produktong hindi katanggap-tanggap sa kapaligiran? Ang bagong itatalagang kalihim ng DENR na kaya ang maglabas ng listahan? Think about it...
Thu, 14 Jul 2022 - 09min - 86 - Build Now, Apply Permit Later (Aired July 7, 2022)
Sa bisa ng Presidential Proclamation 296, idineklara na isang protected area ang Upper Marikina watershed noong 2011. Sa kabila nito, pinayagan ang operasyon ng large-scale quarrying sa Upper Marikina watershed na tinututulan ng environmentalists at ilang city Mayors ng Metro Manila. Maliban diyan, nagsulputan ang mga resort at establisyemento na ilegal na nagpatayo ng istraktura sa Masungi Georeseve sa Baras, Rizal na parte ng protected area. Paano nakapagpatayo ng istraktura ang mga resort na walang kaukulang permiso mula sa DENR at LGU? Ano ang gagawing aksyon ng gobyerno sa tila naging kalakaran na build now, apply permit later? Think about it.
Thu, 07 Jul 2022 - 16min - 85 - ‘Huwag Tayo Pauto’
Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay apektado sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo, malaking tulong sa pangangailangan ng Pilipinas ang pag-ani ng langis na nasa ilalim ng ating karagatan sa West Philippine Sea. Pero sa halip na makinabang, walang napala ang Pilipinas sa higit tatlong taong kasunduan sa China para sa joint oil and gas exploration project sa West Philippine Sea, maging ang mga pribadong kumpanyang may service contract sa gobyerno na nag-aaral sa lawak ng yaman ng natural gas sa Recto Bank na sakop ng ating soberanya ay kanilang tinututulan. Sa papasok na bagong administrasyon, plano nanaman daw ng China na buhayin ang negosasyon sa Pilipinas para sa isa nanamang joint oil exploration project. Saan nanaman tayo dadalhin ng binabalak na ito ng China? Aasa tayo uli sa kanila? Think about it...
Wed, 29 Jun 2022 - 12min - 84 - Independent? (Aired June 23, 2022)
Taong 1994 nang unang ipanukala sa Kongreso ang National Land Use Act na dapat pipigil sa land conversion ng mga lupang pang-agrikultura sa Pilipinas at paglatag ng panuntunan sa wastong paggamit ng kalupaan sa bansa, subalit inabot na ng tatlong dekada ay hindi pa rin naipapasa ang batas. Sa 17th Congress, bagamat nakalusot sa kamara, at kahit makailang ulit nang naipanawagan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagpapasa ng National Land Use Act, hindi nakakalusot ang batas at natetengga lang sa Senado. Sinasabi ni Senador Sonny Angara na kahit may supermajority sa Kongreso, magpapatuloy umano ang kanilang independence at iiral ang checks and balances sa gobyerno. Sa panahon ngayon na namamayani ang dinastiya sa ating lehislatura at ehekutibo, mamayagpag kaya ang prinsipyo ng checks and balances kaysa interes ng mayayaman sa kanilang negosyo? Maipasa na kaya ang National Land Use Act sa Senado upang mapigilan na ang walang habas na pagkamkam sa mga lupang sakahan na nagiging banta na sa ating food security? Think about it.
Thu, 23 Jun 2022 - 11min - 83 - Urgent! Fuel Cost Unbundling (Aired June 16, 2022)
Isinulong sa kongreso ang panukalang fuel cost unbundling na maglalantad kung anu-ano ang basehan ng mga oil company sa pagpe-presyo sa produktong petrolyo. Maliban kasi sa value added tax at excise tax na ipinapataw ng gobyerno, may gastusin ang bawat kumpanya ng langis na ipinapatanong sa presyo ng bawat litro kasama ng kanilang kita. Kung matuloy ang unbundling o paghihimay sa presyuhan ng gasolina, magiging klaro sa mga consumer kung bakit sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ng malalaking kumpanya, may small players na nagbababa ng presyo. Sa mariing pagtutol ng iba't-ibang samahan ng kumpanya ng langis, itutulak kaya ito ng papasok na administrasyon? Manaig kaya ang interes ng bayan sa presyuhan ng petrolyo? Think about it.
Thu, 16 Jun 2022 - 10min - 82 - Magna Carta of Commuters (Aired June 14, 2022)
Isinusulong ng isang Non-profit Organization ang pagkakaroon ng batas na Magna Carta of Commuters. Adhikain nito na makaranas ng komportable at ligtas na pagbiyahe ang mga pangkaraniwang mamamayan gamit ang public transportation. Kasama sa adhikain ng panukala ang pagbibigay halaga sa pagbibisekleta bilang alternatibong paraan ng pagbiyahe. Subalit kasama sa panukala ang pag-oobliga sa mga opisyal ng pamahalaan na gumamit ng pampublikong transportasyon sa kanilang pagpasok sa opisina. Pumayag kaya ang mga Congressman at Senador sa panukalang ito? Think about it.
Tue, 14 Jun 2022 - 09min - 81 - Tax Balato (Aired June 9, 2022)
Sa halos linggo-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene, nabuhay muli ang panawagan na suspendihin ang koleksyon ng excise tax na ipinapataw sa bawat litro ng produktong petrolyo. Pero sa kabila ng bilyun-bilyong pisong koleksyon ng gobyerno mula sa buwis sa langis, hindi sumang-ayon ang kasalukuyang administrasyon sa panukalang tigil-koleksyon ng excise tax. Bagkus ay mistulang nagbalato lamang sila ng libreng sakay para sa pasahero at fuel subsidy sa mga apektadong sektor, na hanggang ngayon ay napakagulo pa rin ng sistema ng pamimigay. Sa laki ng nakokolekta ng pamahalaan mula sa buwis sa petrolyo, aasa pa ba tayo na pakakawalan ito ng gobyerno? Think about it...
Thu, 09 Jun 2022 - 10min - 80 - Kalayaan? Kaibigan? (Aired June 2, 2022)
Nagsampa ng Diplomatic Protest ang Pilipinas laban sa tatlo't kalahating buwang fishing moratorium na ipinatupad ng China sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ito ay nangangahulugang bawal tayong mangisda sa sarili nating teritoryo kahit pa ang deklarasyon ng moratorium ay walang basehan sa batas ayon sa Department of Foreign Affairs. Hindi lang pangingisda sa karagatang sakop ng ating teritoryo ang ipinagbabawal ng China, maging ang pagsasaliksik sa yaman ng ating karagatan ay kanilang hinahadlangan. Ganito ba ang gawain ng isang bansa na nagpapakilalang kaibigan ng Pilipinas? Think about it...
Thu, 02 Jun 2022 - 12min - 79 - Pangako Sa’yo (Aired May 24, 2022)
Isa sa mga ipinangako noong panahon ng kampanya ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. At para mangyari ito sa kanyang administrasyon, kailangang mag-ambagan ng mga Pilipino upang makalikom ng bilyong pisong pondo na subsidiya ng gobyerno sa bawat kilo ng bigas. Panibagong pondo ang kakailanganin para rito gayong sa kasalukuyan, ang utang at gastusin ng Pilipinas ay malaki na kaysa sa kayang kitain ng pamahalaan. Maisakatuparan kaya ang pangakong pagmura ng presyo ng bigas sa kabila ng napakalaking problemang pangpinansyal na kinakaharap ng gobyerno, o ang pangako ay pangako na lamang? Think about it...
Tue, 24 May 2022 - 09min - 78 - Mga Aklat Para sa Lahat (Aired May 19, 2022)
Lumawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga aklat pambata na kasama sa #NeverAgain book bundle ng Adarna House matapos ang "red-tagging" na ginawa ng ilang mga opisyal ng gobyerno laban sa publishing house ng mga libro. Pinapalabas na ang CPP-NPA-NDF ang nasa likod ng paglimbag ng mga aklat na ito na nagtuturo umano sa mga kabataan na maging radikal laban sa gobyerno. Subalit nilimbag ang mga aklat noon pang taong 2001, habang ang iba ay mula sa Barcelona na nasulat noon pang 1977 na isinalin lang sa wikang Filipino... Pero hanggang ngayon ay akma pa rin ang laman ng mga libro sa totoong nangyayari sa ating lipunan. Kaya ba pinapatigil ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang pagtangkilik ng mga aklat na ito, dahil takot silang mamulat ang mga kabataan sa naghaharing-uri ng mga nasa kapangyarihan? Ang pamamayagpag ng mga dinastiya sa nakaraang halalan ay isang klarong patunay. Think about it...
Thu, 19 May 2022 - 13min - 77 - Pilipinas Kong Mahal (Aired May 17, 2022)
Nasa probisyon ng ating saligang batas ang pagbabawal ng dinastiya, pero walang kaukulang batas para maipatupad ito na nagresulta sa nagtatabaang dinastiya sa ehekutibo at lehislatura ng mga probinsya, lungsod at bayan dito sa Pilipinas. At kung dati ay nagsasalitan lang sa puwesto ang magkakamag-anak na pulitiko, ngayon ay sabay-sabay na silang tumakbo at nanalo sa iba't-ibang posisyon sa kanilang mga lokalidad. Pati Party-list ay kinukuha na rin nila. Ayon sa pag-aaral, kung saan naghahari ang matatabang dinastiya, doon rin laganap ang kahirapan dahil mas madaling bumili ng boto kung kumakalam ang sikmura ng mga taong nasasakupan mo. Ito ang malupit na katotohanan na ang sinasabing serbisyo sibil, ay nagmistula nang negosyo ng mga makapangyarihang pamilyang pulitiko. Pilipinas mong mahal... Ano na ang nangyari sa'yo?
Think about it...Tue, 17 May 2022 - 11min - 76 - Huwag Tumangis (Aired May 12, 2022)
Tapos na ang panahon ng halalan at marami nang naiproklamang kandidatong nanalo para sa lokal na pamahalaan, habang hinihintay ang proklamasyon ng mga nanalong Senador, Party-list Representatives, maging ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo. Nanalo ba ang iyong kandidato, o ikaw ba'y lumuluha ngayon? Huwag kang tumangis... Ipahinga ang iyong isipan at katawan dahil nasa ibang yugto na tayo ngayon ng ating demokrasya. Tama, move on tayo... Panahon naman ng paghingi ng pananagutan; accountability and moral ascendancy.
Think about it...Thu, 12 May 2022 - 12min - 75 - Paano Kumikilos ang Trolls? (Aired May 4, 2022)Wed, 04 May 2022 - 45min
Podcast simili a <nome>
- Global News Podcast BBC World Service
- El Partidazo de COPE COPE
- Herrera en COPE COPE
- The Dan Bongino Show Cumulus Podcast Network | Dan Bongino
- Es la Mañana de Federico esRadio
- La Noche de Dieter esRadio
- Hondelatte Raconte - Christophe Hondelatte Europe 1
- Affaires sensibles France Inter
- La rosa de los vientos OndaCero
- Más de uno OndaCero
- La Zanzara Radio 24
- Espacio en blanco Radio Nacional
- Les Grosses Têtes RTL
- L'Heure Du Crime RTL
- El Larguero SER Podcast
- Nadie Sabe Nada SER Podcast
- SER Historia SER Podcast
- Todo Concostrina SER Podcast
- 安住紳一郎の日曜天国 TBS RADIO
- TED Talks Daily TED
- The Tucker Carlson Show Tucker Carlson Network
- 辛坊治郎 ズーム そこまで言うか! ニッポン放送
- 飯田浩司のOK! Cozy up! Podcast ニッポン放送
- 武田鉄矢・今朝の三枚おろし 文化放送PodcastQR